Naalala ko noong ako ay nasa kolehiyo palang ay pinagawa kami ng isang proyekto "Short Story in Filipino. Ang nagpagawa ay isang Lasalistang nagtuturo sa Ateneo, honestly hindi naman sa hindi gusto or gusto ko ang teacher, I'm in the very thin line in between.
Ito ang aking short story nakinuwento lang din sa akin ng mga relatives namin lalo na kapag kami ay nag-goghost story.
Ang mga karakter:
Ana(Putol): isang babaeng pinaglihi sa manika na napuputol ang mga parte ng katawan.
Sherlyn: Ate ni Putol
Aling Inday: Nanay ni Putol
Mang Domeng: Tatay ni Putol
Analyn: Pinsang ni Putol
Leonardo: Lalaking umiibig kay Putol
Lina at Andrea: Dalawang kapitbahay
Malapit nang matapos ang sem break sa kolehiyo at umuwi sa kanilang probinsya ang Si Analyn, Sherlyn, Lina at Andrea.
Taga Manila ang pinsang si Analyn na sumama kay Sherlyn para magbakasyun.
Isang gabi habang nagkukuwentuhan sina Analyn, Sherlyn, Lina at Andrea ay nagbukas ng isang topic si Analyn horror stories at naaisipan nitong mag "spirit of the glass sila"
Doon sila sa room ni Ana. Si Ana sa loob ng 18 years ng kanyang buhay ay naroon lang sa kanilang bahay. Wala itong mga kamay at mga paa. Kung di siya nakadungaw sa bintana nasa kama lang ito. Tinutulungan siya ng kanyang nanay sa paglilinis sa kaniyang katawan.
Minsan ay marami itong tanung sa kanyang nanay kung bakit siya naging putol, hindi naman sinasabi ng kanyang nanay ang dahilan, subalit narinig niya na sa mga kapitbahay na pinaglihi nga daw siya sa isang manika. Napakaganda ni Ana, napaka amo ng mukha nito na parang isang birhen. Sayang nga lang at gaun ang kanyang kalagayan.
Sa loob ng kaniyang kuwarto nandoon na ang apat na dalaga siya ang panglima. Dahil na wala siyang mga kamay ay nanoud lang ito sa ginagawang "spirit of the glass". Niyaya siya ng kapatid na lumapit nalang sa kanila. Inalalayan siya nito palapit sa kanila.
Ready na ang kanilang "Spirit of the Glass Board" at isang baso. Nagsindi din sila ng kandila sa gilid. Dala ni Analyn ang board na ginamit nila. Mahilig palaitong maglaro ng "spirit of the glass" na gingawa na nilang ktuwaan sa Manila, subalit ito ang unang pagkakataon na nilaro niya ang board na yun. Bago pa ito na nabili niya sa may Quiapo. Muntik niya na ngang malimutan na nadala niya palaito.
At sinimulan na nila ang laro,isang mahabang dasal para sa mga spiritu ang kanyang binasa na nakalakip sa board nung binili niya ito. Matapos ang pagbabasa, "spirit are you in"tatlong beses habang ang kanilang mga kamay ay nakapaton sa baso sa ginta ng board. Walang nangyari kaya inulit nilang tawagin ang mga espiritu,
"Spirit are you in" sa panglimang pagkakataon ay biglang umihip ang malamig na hangin na hindi nila napansin, tanging si Ana lamang ang nakapansin, napansin nalang nila nung namatay ang kandila. Kaya isinara nila ang bintana ng kuwarto ni Ana.
Nagpatuloy sila at sa ikasiyam na try na "spirit are you in" ay gumalaw nanga ang baso at nagpunta ito sa "Yes" kinabahang bigla ang dalawang kapitbahay na sina Lina at Andrea. Subalit pinagpatuloy parin hanggang sa tinanong nila " Lalaki kaba?" "Yes.
"Tagasaan ka" tanong nila
"San Mateo" spell out nang baso kalapit na baranggay
"Ilang taon kana"
"21"
"Paano ka namatay"
"sakasak at ninakawan"
"Bago lang ba"
"Yes"
"Ilang buwan"
"3"
"Anu ang pangalan mo?"
"Leonardo"
Bumuka ang kanilang pinto sa kuwarto at pumasok si Aling Inday "Anu bayang ginagawa ninyo dyan?" Itigil niyo na yan at kakain na tayo ng hapunan. Inalalayan ni Aling Inday si Ana at sinubuan ito.
Hindi na nila napagpapatuloy ang laro. Natapos na rin silang maghapunan at umuwi na ang mga kapitbahay. Sa kwarto ni Sherlyn natulog si Analyn. Isang Linggo nalang uuwi na ang mga ito para sa enrollment.
Nung gabing yun ay naiwan ang sa kwarto ni Ana ang board at Baso. Hindi nakaltulo si Ana at iniisip kung totoo ba o hindi ang paggalaw ng baso. Minabuti niyang ipagpatuloy ang laro na siya lang. Lamparilya lang gamit niya sa kuwarto na nagbibigay ng katamtamang liwanag sa boung kwarto.
Tinanong niya ito,
"Andyan ka pa ba?" dahil nga sa wala siyang kamay inakala niya na hindi gagalaw ang baso, subalit gumalaw ito.
at nagpunta sa "yes"
Kinilabutan ang dalaga.
ipagpapatuloy ko later k./..............
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
,.,.wEw!!!!!!!!!! i rEAlly LIKe Ur BLogsPOt.....u look sO famoUs d way u put up all those story telling,bt i like it.,.,
ReplyDelete.,.,.til nxt tym.,.
...jst droppn by.,.
..,.stay cool like mine.,.
.,..muAhHhh!!!!!!!