Ang aming pamilya ay may panata na sa loob ng 52 years ngayong taon sa patron na Sto. Niño. Halos ka edad na ito ni dad.
Bilang panata ang patron sa Manikling, Davao Oriental na Sto. Niño ay pinapalitan ng damit. May suking tagatahi ng damit nito kada taon. Akala ng mga tao sa amin na binibili lang namin ito na ready made.
Taon- taon ay iba iba ang disenyo ng damit nito.Pangalawang taon narin namin ito ni wifey na sumama sa pagpalit ng damit.
Nagsimula pa ang panatang ito sa aking lola na pumanaw na noong 1984 bago paman ako pinanganak at namana nalang ng kanyang mga anak at mga apo.
Nakita ko sa cabinet ang mga damit nito mula pa noong unang panahon. Ang larawan ay kuha ko noong 2009.
Eto naman ang kuha ko ngayong taong 2010
Marami narin ang magpapatunay na milagroso ang Senior, nagpapagaling ng mga karamdaman. Nagpaparamdam sa panaginip. May estorya din ang pamilya namin hinggil dito.
Thursday, February 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment