Nagsimula ang lahat nang ako ay magdesisyun na lumahok sa pulitika, kasama ang suporta ng aking pamilya lalo na ni dad na gagraduate na sa pag ka alkalde sa aming lugar.
Nagdesisyun nga akung tumakbo bilang isang konsehal. Kasama ang aking grupo, apat sa aming mga konsehal ay sumuporta kay Gibo kasama na ako at ang apat pa ay para kay Villar. Hati nga kami ika nga. Ang aming Mayor ay orange subalit ang aming VM ay GIBO. Naging ganun man ang set up ay di nawala ang respeto naming sa isa’t isa. Ito ay nagyari sapagkat magkaiba din sa sinusuportahang kandidato an gaming mga bossing sa probinsya.
Nov. 2009 ng kai ay magfile at nagsimula ang kampanya noong Mar. 2010. 45 days hanggang Mayo 10.
Noong una ay maraming mga espekulasyun sa magiging resulta subalit minabuti ko maging mapagmatyag sa rumors at usap-usapan. Minsan may nagsabi na may isang tao na siyang pakana ng usapan na ako ay hindi mananalo sapgkat aku ay mahinang kandidato, unruly daw ako sa inuman. Aaminin ko na may ganoon nga akung reputasyun sa aming lugar noong mga panahon na ako ay estudyante pa, subalit hindi naman ganoon kadalas aku uminum, kaya nga medyo umiiwas na ako minsan.
Hindi man lang naisip ng taong ito “look who is talking” ayokong magcomment subalit siya ay kailangang tanungin baka siya ang unang matamaan sa sinabi niya.
Gayun paman ay nachallenge ako at pinaghusayan kong maging kaaya aya ang mukha kong strikto. Nakikihalubilo ako sa mga tao sa aming mga kampanya sa mga baranggays. “Sabi nila ako daw ay hindi marunung makihalubilo sa mga tao. Hindi daw ako namamansin, hindi ako marunung gumanti sa inyong mga smiles sa akin, minsan lang daw ako tumawa kaya ngayon ako ay naririto sa inyong harapan mula sa umpisa ang inyong lingkod po ay nakatawa. Pagdating ko sa inyong baranggay ako ay nakatawa, paglingun ko sa kaliwa tawa, sa kanan tawa ulit, umihi ako sa likuran nakatawa parin.” Tawanan ang mga tao. Kinikuha ko kaagad ang kanilang kiliti. Ang mga pinoy ay palatawa at mahilig sa jokes.
Ang aking mga programa ay hinggil sa TURISMO, EDUKASYON, YOUTH. Inilahad ko ng Magana sa madla ang aking plata porma kung kaya sabi ng iba nagustuhan nila. Dumating din ang isang party list na last election kopa kinampanya na siya lalong nagpalakas sa aking kampanya.
Kanya-kanyang gimik ang mga kandidato, kanya-kanyang hingi naman ang mga tao. Minsan nga may nanghingi sa akin ng tulong. Tatlong kababaihan
1. Hihingi akung tulong kasi may reseta ng doctor sabay abot ng papel
2. Hihingi ako ng pangprocess ng birth sabay abot papel ng requirements.
3. Hihingi akung tulong magpapa arbularyo (hahahahahaha, muntik na akung matawa sa harapan)
Palapit nang palalapit ang araw ng HUKOM subalit nagpatuloy parin ang nakakapagod subalit masayang kampanya. Kanya- kanya na kaming taktika one week before elections.
Dumating ang “meeting de avance” ako ang nakabuot ng pinakahuling numero kaya ako ang pinakahuli na magsasalita. Kinabahan ako baka kasi wala ng tao. Subalit hindi naman umuwi lahat nang ako ay magsimulang mag speech kasi may kalahati pa namang natira “Naniniwala ba kayo na ang nagpahuli ay mangunguna” positibo naman sila. Kaya 5 minutes lang ang aking speech at tinapos ko sa pamamagitan ng isang kasayasayan sa buhay mag asawa.
“Ang mag-asawa kapag bagung kasal ay may team song, alam nyo ba anu team song nila?” sabay kanta ng “Araw-araw , gabi-gabi” hahahahahaha tawanan
Alam nyo ban a nagbabago ang team song nila pag sila ay mga 40-50 years old na?””Iba na naman ang kanilang team song alam nyo ba kung ano?” sabay kanta ng “ Paminsan minsang ang alaala mo’y magbabalik” hahahahahahahaha tawanan ulit
“Pero kapag ang mag asawa ay 60 above na ay mag-iiba parin ang kanilang team song alam nyo ba kung anu?” sabay kanta ng “Maalaala MO Kaya” hahahahahah tawanan “kaya sana ay maalala nyo ako pagdating nyo sa presinto ang panapos kung salita.
Dumating ang elction day, sama-sama kaming boung pamilya sa pagboto at hindi na ako nakaramdam ng takot at kaba kasi alam ko na ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, at hindi ako nabigo ako ang nguna sa mga konsehal at dalawa lang sa aming linya ang natalo, 2 na konsehal lang.Panalo an gaming Mayor at VMAYOR.
Saturday, July 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment