Thursday, October 1, 2009

Hindi sumipot

Nakatanggap ako ng summone mula sa baranggay may complaint kasi sa akin for child support.


Lunes ng matanggap ko letter sgned by the BRGY. Captain ng barangay namin dito sa city.

Nagkataon din na nandito sa bahay si dad noong araw na yun kaya alam niya. Complaint ito mula sa aking ex-gf na naanakan ko.

Mahabang istorya na kung isususlat kopa. Basta ngayun dumating na kami sa puntong ganito.

Naka skedyul ito noong Miyerkules, September 30, 2008 at 9:00 AM. Maaga kaming gumising ni wifey kasi sasama din siya sa barabggay hall. Dumating din sina mom at dad para suportahan ako sa aking sitwasyun.

5 Minutes before 9:00 Am ay dumating na kami sa area subalit hindi pa dumadating ang complainant.

May lumabas mula sa hall at kinausap kami. Isang Kagawad ng baranggay. Alam na alam niya ang gagawin, babae si kagawad at madadal ito, practical siya sa life. Nakapag abroad na siya as entertainer sa Japan hanggang sa maisipan niyang tumakbo at nanalo naman siya.

After isang oras, hindi parin dumadating ang kabilang panig kaya pinauwi na kami. Hindi nangyari ang dialogue. pagdating namin sa bahay ay naghanda narin kaagad sina dad para makauwi sa bukid.

"itext mulang ako kung anu man ha" sabi ni dad at lumarga na ang sasakyan nila.

Huwebes Oct. 1 mga bandang alas nuwebe may dumating na messenger at hinatid ang another letter, reschedule for dialogue on Oct. 5 Monday. Dumating pala sila noong unang schedule subalit late na sila. Mga alas onse na sila dumating.

Sana maging okey ang dialogue ngayung Oct. 5. Wish me luck guys.

No comments:

Post a Comment

 
Subscribe to updates Subscribe to updates