Friday, September 11, 2009

HCDC Bomb Threat?

September 11, 2009

Mag aalas kuatro na ng hapon habang akoay nasa loob ng aming classroom at malapit ng mag goodbye ang teacher namin ay biglang tumunog ang alarm ng school at nagsalita ang President ng School.

Malumanay parin ang boses nito at biglang tumahimik ang mga maiingay na classrooms at nakinig ang lahat

"Attention to all the teachers, employees and students to get out of the campus" Walang madaling sabi at naglabasan ang lahat. nagulat din ako at lumabas na kaming lahat sa aming classroom.

Pagkalabas ko ay marami ng mga estudyante at mga guro ang kinabahan, ang ba naman ay nagawa paring tumawa. May mga iba rin na nagpanic. Sumigaw ang mga ibang guro na wag magpanic kasi nga baka magka stampede.Napakarami din kasi ng population ng school.

Lumabas na ako at ayun nakita ko na bukas na nga ang mga gates ng school, may tumatakbo ang iba naman ay kalmado parin.

Habang ako ay naglalakad papalabas na ng campusmay mga bulong bulongan sa paligid na baka may bomb threats, may mga nagsabi din na baka drill lang ito.

May mga tanung sa mukha ng bawat isa.

Nilisan ko ang school at pumunta sa may simbahan ng Sta. Ana Church na katabi lang ng school.Doon kasi ako nagpark. Nakita ko parin ang napakaraming estudyante na lumalabas.

Nanatili ako saglit sa isang tindahan at umalis na ako. Minabuti ko paring dumaan sa harap ng main gate ng school. Matagal akong nakaalis sa harap ng main gate kasi madami paring estudyante, may naita na akong camera man ng GMA 7 sa main gate na kumukuha na ng videos, at nakita ko rin ang kanilang pick up na sasakyan. May isang patrol car na puno ng mga pulis na dumaan at doon sila pumunta sa exit. Naisip ko tuloy baka nga hindi drill. May nakita rin akong karatula sa harapan ng main gate sa isang blackboard na "Classes Suspended"

At nagpatuloy ako sa pagmamaneho.

sa bahay inabangan ko sa dalawang estasyun ang pangyayari baka kasi iuuulat na nila ang balita subalit wala sa ABS- CBN at wala rin sa GMA 7.

Sana nga hindi totoo ang spekulasyun ng mga estudyante at guro.
God Bless HCDC! at maliliwanagan din kung anu ba talaga ang dahilan ng pagkasuspinde ng Klase.

No comments:

Post a Comment

 
Subscribe to updates Subscribe to updates