Wednesday, February 3, 2010

Glacy

Siya si Glacy or some would call her Glessy. Pinagkakatiwalaan namin siya sa pagbabantay ng aming munting tindahan habang kami ay wala or nasa taas lang at nagpapahinga. Napakahilig niya sa pagbabasa ng pocketbooks na tagalong. 17 na siya at maraming atang bfs sa text. Matagal narin siya sa amin mula pa sa main store namin hanggang sa magbukas ng isa pang store sa baba ng bahay kung saan kami nakatira. Tindahan ang baba nitong bahay ng aking lolo at lola na nasa kabilang buhay na.

Isang regular na araw, madalang ang mga bumibili so wala kaming ginagawa kundi magkantyawan hanggan sa naabutan ko siya na kumakanta habang malikot na gumigiling ang kanyang bewang, hindi niya alam na pinagmamasdan ko siya hanggang sa biglang sabi ko “sige baba mopa” saka niya lang napansin na nakita ko lahat ng kalikotan niya sa pagsasayaw. Nahiya man siya eh wala na siyang magagwa dahil sa hindi niya na ma deny. Minsan din, kasi nga ang aming wika dito ay Bisaya ginagawa niyang halohalo ang mga salita habang siya ay may kausap. Nakaka aliw din na kasama itong si Glacy. Siya ay aking pamangkin sa second degree cousin ko, sa medaling sabi pinsan ko ang kanyang mama.

No comments:

Post a Comment

 
Subscribe to updates Subscribe to updates