Wednesday, February 3, 2010

Rose

Rose
Nagsimula itong si Rose na magtrabaho sa amin noong December, iba din ang personality niya, masyadong dalagang Pilipina, sabi panga ni wifey maganda si Rose at matangkad, exotic beauty na maganda. Napakabagal kumilos at magsalita nitong si Rose hindi ko maxadong nagustuhan noong una subalit naging okey narin at naintindihan ko narin kasi maxado pa siyang bata 16 years old and hanggang elementary lang ang tinapos niya kasi namasukan siya sa city at hindi pa regular ang kanyang pagsahod. Hanggang sa umuwi siya at tinulungan siya ng kanyang Knight in Shiing Armor noong mga panahong yun, sinundo siya nito sa bahay ng kanyang amo at may pahintulot pa ito ng kanyang nanay. Naging kasintahan niya ang 39 years old na binata na kalaunan na nagkahiwalay din.
Mabait itong si Rose kaya lang noong minsan na napagalitan ko ito dahil boung araw akong naglaba sa aming farm kasi nga walang problema sa tubig doon, kinahapunan ay isa isa ko nang binababa ng sasakyan ang mga nalabhan na naming damit sa mga lagayan nito nang bigla akong matalisod at nakita ko siya natinawanan ako, pagod ako at nag init ang ulo ko nang tinawanan ako. Inakyat ko muna ang mga damit at binalikan ko siya sa tindahan at sinabihan ko na: “huwag niyong tawanan ang taong nahihirapan sa pagbubuhat at natalisod, ni hindi na nga kayo tumulong” sabay talikod at umakyat ako sa baba.

Lingid sa aking kaalaman na hindi pala ako ang tinwanan niya may piang-uusapan sila at nagkataon nung tumawa siya ay natalisod ako. Nag-iba ang kanyang pakiramdam at may sinabi siya sa kasama niyang si Glacy na “ewan ko lang talaga kung anu ang mangyayari kay kuya, hindi kuna sila mapipigilan sa gagawin nila sa kanya” kinilabutan ako bigla at naalala ko na na possess nap ala itong si Rose ng engkanto, “ may malaking tao daw na lagging nakasunod sa kanya “ dugtong ni Glacy. Natakot ako sa posibleng mangyari nga sa akin. Nanindig lahat nga buhok ko sa katawan. Hindi ko na siya kinausap hanggang sa kinagabihan ay parang naghihina itong si Rose. Niaya ko na silang maghapunan pagkatapos nilang magsara ng store at pinakitunguhan ko na lang sila ng mabuti subalit umakyat na sa kuwarto nila si Rose at hindi na lumabas para maghapunan. Sabi kopa kay mommy kinabukasan na ayaw ko sa kanya, gusto ko palitan na lang ng iba yung pwedeng katulong at tindera, ayaw ni mommy tsaka mahirap nadaw maghanap ng mapagkakatiwalaan bahala na dawn a mabagal at sensitive basta honest. Wala akong nagawa kundi ang kausapin sila ng masinsinan regarding sa mga rules sa bahay.

May isa pang nakakatawang pangyayari, minsan pista sa kanila Rose at nagpaalam itong umuwi sa kanila gabi ng desperas ng pista. Pinayagan ko naman kasi nga sabi niya bukas ay aabsent siya at babalik siya sa susunod na araw, na pista naman kina Glacy. Hindi niya tinupad ang pagbalik niya kaya naawa ako kay Glacy na hindi ko pinauwi kasi nga sino nalang ang maiiwan sa tindahan, hindi ko kasi piangkakatiwala sa boy namin na si Junex ang tindahan. Kaya hindi nakuwi si Glacy, at pinagalitan ito nga kanyang nanay. Kinabukasan ay wala parin itong si Rose kami ni wife yang nagbantay ng store kasama si Junex kasi pinauwi ko na muna si Glacy sa kanila ksi bday ng kanyang nanay after ng kanilang piyesta VIVA SENIOR STO. Nino. Absent si Rose ng 3 days saka palang siya pumasok at umabsent din si Glacy ng two day na halos magkasabay. Ilang arwa pa balik na sa normal ang lahat.
Isang hapon habang kami ay nag-uusap at nagkakantyawan Junex, Wifey, Ako, Glacy at Rose ay naalala ko ang sinabi sa kin ni Junex na may nakita silang nagsesex sa baybayin, malapit sa dagat ang bahay nina Rose at nung gabing yun ay nakipiyesta din si Junex sa kapitbahay ni Rose na kakilala niya. Yun nga may nakita silang pares na walang atubiling gumwa ng kamunduhan sa madilm na bahagi ng dalampasigan. Describe pa ni Junex mahaba ang buhok. Tawanan lang kami at sinabi niya pa na nakita niya din si Rose sa dalampasigan na may kadate na lalaki. Malinaw na iba ang may katalik sa shore at iba din si Rose na may kadate. At hindi pa sure si Junex na si Rose ba talaga ang nakita na may kadate. Namiss interpret ni Rose ang mga narinig nagpaalam na umuwi at umiiyak. Akala niya siya ang pinag-uusapan na may katalik at umuwi nga at nagsumbong sa kanyang mama, kinunfirm ng kanyang mama ang estorya at yun inexplain naming na hindi siya ang tinutukoy sa kweto kaya after two days ay bumalik rin ito.

No comments:

Post a Comment

 
Subscribe to updates Subscribe to updates