Friday, July 31, 2009
Boredome!
One teacher really is boring, thou she's been nice to me.
I am thinking of something to divert my attention, that's why I am writing ow. I'll include this in my blog site later tonight.
The subject really is boring, the teacher too. Maybe she's bored teaching the subject too?
Every now and then I'm seeing my watch and now its 15 minutes before this boring subject ends. After this I'll have a one hour break so i can make my assignment later.
Ill also inform her that I'll be absent the whole of next week.
Tutuloy ba ako?
Ako kasi gusto ni Tata na pumunta sa seminar, isang Linggo ito. Originally Bagiuo ito, the Tagaytay then finally the organizers decided to hold it Marikina.
Then just today i have deided na, nagpaalam na ako sa mga teachers ko i'll be absent the whole week of nextweek.
Payag narin naman si wifey.
Wednesday, July 29, 2009
H1N1 scare sa school
July 29, 2009 pasukan na ulit kaya pagkadating ko ng school mahaba ang pila kasi may pangcheck na ng temperature sa noo ng mga estudyante. Nadedetermine kung may lagnak ang isang tao.
Eto yungkuha kong picture habang ako ay nakapila.
Ang iba ay hindi na pinapasok at dinala sa checking booth sa gilid.
Eto yung picture na kuha sa loob ng klase habang ang teacher ay nagdidiscuss about sa child development at nagshare siya ng OH yeah moments with hubby.
She added,'"if you really wanna have it and then put a ring on it" Beyonce line....So sabi niya pa" kailangan sex is for married couple".
Tuesday, July 28, 2009
9th SONA of Gloria Arroyo Reaction
Another influential institution is the media; they should be fair enough in reporting. I have observed that some broadcasters in kapamilya and the kapuso stations are very anti government. They always blame the government. Is it healthy? I’d like to name them but I prefer not to name drop. Please media people, its okay to deliver news but don’t ever make a statement on TV which will be very bias for any party.
Regarding the CON_ASS this involves our prominent names in politics in both houses, senate and Representatives. I am okay with CON-ASS because some senators are useless; they only came out with scandals etc. And also it fastens the approval of any law. Imagine it takes many years to pass a single law because it will pass in both houses. Time consuming, isn’t it? CON-ASS is not about extending GMA’s term of office, but rather to create a unicameral government with only one house the House of Representative. Theses senators that e have can run in their respective districts. So with GMA in her district in Pampanga. That’s her right, so the dilemma is that many would not want GMA to win in Pampanga but its her right, we can’t halt her from winning nor losing, that’s beyond our control as voters of another districts respectively. So the winner in all districts in the Philippines should be thinking on whom to vote for PM if GMA will win in Pampanga. So in the forthcoming elections choose wisely your congressmen. Okay! Exercise your right of suffrage. Don’t just murmur and criticize, do your responsibility as Filipino to vote wisely for people.
My points here are simple, change the political and moral behavior of the people, and educate people properly specially with the Education system with the help of institutions such as churches, schools, government agencies, NGOs etc. Of course these changes have to be coupled with self submission to change. Lastly don’t always blame the government and don’t say bad words in the net.
Thanks,
Polo
Ps: for comment pls. send it to michealguiane_quijano@yahoo.com/poloruelo@yahoo.com
Monday, July 27, 2009
9th Sona ni GMA text
(some are not the exact words)
Thanks you, ladies nd gentlemen good afternoon.
Before I proceed join me for prayer for pres aquino.
Global crisis in 2008 Global recession. The country is still intact,resiliance of economy.
Good for our people bad news for our critics
I did not become pres to be popular but to lead and serve the people.
!st world in 20 years, puting people first, tulungan ang masisispag na karaniwang pilipino.
Better healtcare, roads, housing etc.
Magsasaka ang backbone ng bansa.
Bigyan sila ng modern gamit to feed nation and the family
Thank you congress for standing with me.
Strong and better revenues, given the high eras of LGU because of high collection.
More and better infra , finished unfinished infra.
Upgraded domestic airports, seaports,
philippine transport security law
Politics after my speech sorry but theres more work to do
Telecom inatasan to work on the graft pools and loads sa cps.
We need to ammend the commonwealth era public service law
Strong electronics, bpo and tourism as additional engines of growth, electronis rises and fall, but bpo ay resilient, Bpo eloquently speak sof competency
Department of ICT to be created
Tourism doubled in two years,
Protect people finacial sytem best in the west failed to anticipate, they gave the resourses to extend welfare support
Cash hand outs, 7hundred thousand pantawid pamilya program.
Priorit project , on long term contribution , namahagi ng carp, namigay ng lupa.
Asked congress ang pagpapalawig ng carp
Dapat macondome 22 billion na land reform liabilities dahil 18 % lang ang nabayaran.
Emancipate ang titulo.
Emergency employement ng economic resiliency plan
Gigi gaviola, household service sa dubai, work in dole now.
1 million family bahay at lupa.certificate of house awards
Inflation is the lowest in 1966 dropped to o1.5 percent
How?
Lowered cost to business and consumers, bigas 18.25 perkilo rice shortage.napataas ang bili ng palay sa magasasaka
Farm to market roads, natubigan ang 2 has.
Badjao, tarnate danaue., tinuruan ng modern my culture.
Fisherfolk to shift to fish faming
Gutom na family, mamuhunan ng hunger mitigation program.
From 2001 gamot half price sa botika sa brgy. Bayan
Pharmaceutical comp to come up with low price med.supported over the weak version of critics
Maxium reatil price
For the aspiring president If you want something hard, try hard, pussyput don’t say badwords in public…si mar ba tinira dito? Im not sure, if its him
Upang bahay,may 1 year moratorium 7% lang ang icrease
Lat year 5oo pesos 7 million houses para sa electric users,..apera-epera
All brgs mostly have kurinte, public depbt to gdp
Malaking kaaway na tinalo ay utang sa labas.
Free market not free for all.
Bsp has included special purpose vehicle act, securitization law is not making it
Revenue enhancement,bir custom spot those cheats ,,
Tax alcohol and tobacco,
Buwis sa allak at sigarilyo sa educ, health philheath premiums sa mahihirap.
Self imagined threat, scared of their own shadows
Sunday, July 26, 2009
suspended fs account
Kaninang umaga i was able to open my fs michealguiane_quijano@yahoo.com.
Diba nga nagsimba ako at nabigyan ko pa ang ale ng isang burger after attending mass, pagkauwi kona ng bahay i opened my account its sad to say na ang aking pinaka account ay nasuspended.
Hindi ko lubos maisip bakit at paano nangyari until I opened my email account eto yung notice nila.
Re: Suspension of your Friendster account
Discussion Thread
Response (Madison) 07/26/2009 11:19 PM
Hello ,
Thank you for contacting Friendster Customer Support.
We've reviewed your account and made our final decision. The account violates our Terms of Service. ( Offensive Photos) Please review the terms of service at:
nakakainis.
Friendster sucks
Love triangle Boyet,,Benjie at Alex
Si wifey ang kasama ko nanonood habang pinapapak ang 3 burgers na naiwan after ko binigay sa ale ang isa. Isa lng ang kinain ko sa kanya ang dalawa.
Mga singers sa wowowee, unang banat si Boyet ang kalahok bestfriend niya si Benjie. Pagka sa wowowee kasi may parang stereotyping sa mga kalahok lalaki na dinadala ang bestfriend na lalaki. Nagkalgalit pala sina Benjie at Boyet pero napapayag niya si Benjie na sumama.
Kantyawan sa loob ng studio ni Will, kasi nahahalata ang nangngamoy na paminta.
Ang sanhi ng away ng dalawa ay callmate ni Boyet ang syota ni Benjie. Hindi alam ni Boyet na mag on na pala sila ni Benjie at ang callmate.
"Hindi ako nang-agaw" sabi ni Benjie
Tapos umiiyak na ang benjie kesyo mahal niya si best boyet niya.
"Love you best" sabi ni benjie
"More than words more than acts youre always in my heart forever" sabi ni Boyet kay Benjie
Tianong ni Will kung ano ang pangalan ng kanilang pinag-agawan..
Ayun sapol Alex pala.......
Love triangle.
Good Samaritan si Bonsai
Naisipan ko na magsimba nalang katabi lang kasi ng school and Sta. Ana Church.
Nakapark ang kotse ko sa gilid ng church na kung saan may Minute Burger. May buy one take one itong offer.
Kadalasan pinipiliko ang 34 pesos na buy one take one, eh may 50 pesos ako, sukli ko sa carwash.
Pinili ko ang tag 24 na by one take so apat na burger.
Habang naghihintay at nagyoyosi ako may lumapit na babae na may sinabi.
Hindi ko ito masyadong narinig, akala ko nanghihingi ng pera, akala ko nanglilimos.
Kunot ang ulo nga ale at hawak-hawak ang kanyang tiyan na pakiwari ko may nararamdaman itong sakit.
Kinuha ko ang aking coin purse "naku 2 pesos nalang ang pera ko" sabay abot sa coins.
"Sabi ko anung oras na po sir?" sabay hawak parin sa tiyan niya.
Napahiya ako, para akong nalagay sa alanganin at feeling ko nainsulto ko yung ale, hindi ko naman sinsadya.
Guilty ako sa aking ginawa kaya humingi agad ako ng sorry.At sinabi ko na mag aala una na.
"kaya ako nagtanong kung anung oras na hindi pa kasi ako kumakain" hawak ang tiyan at alam ko sa mukha niya na gutom nanga ito.
Biglang tumulo ng bahagya ang kanyang luha.
"Ganito nalang po sa inyo napo yung isang burger apat naman yung binili ko ale"
Hindi na ito kumibo at tumango nalang.
Nahiya din siguro ang ale.
Binigay ko agad sa kanya ang isang burger at umuwi na ako.
Nice naman ito kasi nagpasalamat siya.
Tiningnan ko siya sa rear mirror yun guto nga pala talaga.
Saktong nakunan ko siya ng picture at background image pa ang kotse ko sa harap.
Masyadong timing o coincidental na mga pangyayari today, walang pasok kaya nagsimba ako, bumili ako ng apat na burger para pala sa ale ang isa.
Ading (annoying Pump Boy)
Napakadaldal ng kanilang pumpboy, siguro part narin ng customer service nila.
"fulltank sir" sabi niya
"fulltank 150" sabi ko
"i received 1000 sir for gasoline worth 150"sabi niya
"mind to turn off the machine sir for safety precaution" tanong niya
"sure" kahit nairita na ako
Tumango lang ako
Then hinatid niya ang pera sa cashier.
"1000 for 150 gasoline unleaded blahblah" sigw niya sa cahera
Bumalik siya sa tapat ko then.
"sir okey lang bah yung gear oil nyo"tanung niya
"yes" sagot ko
"windsheild sir?" tanung niya
"wagna"sagot ko
"okey lang ba yung tires nyo, madagadagan natin hangin" tanung niya
"okey lang yan"sagot ko
Kinuha niya na ang sukli ko saka ko naisipan na iblog kotong annoying thou nakakatawa na pump boy saka ko tiningnan ang name tag niya he is Ading.
Grabeh ang customer service niya to the extent it annoyed me.
Inabot niya ang sukli"sir sorry walang boung 500 kaya 50's ang sukli namin" sabi pa niya
"okey lang" na nakatawa na ako kahit annoyed
Then pagkapaandar ko ng makina "sir thank you come again ingat po" ang daldal talaga noh.
Anyways he was just doing his job excelleny customer service , exceeding beyond what I expected of them....
I was annoyed maybe i was not in the mood but as I read this blog nothing to be annoyed.lols
Saturday, July 25, 2009
"TKO" Gay Robber
After dinner I took shower, my bro told me that he bought something to drink and so we had a bonding.Juan Meo and Den were already drunk when we started drinking, about 3 hours after, around 1 AM one of the guards went home in a hurry and told us that my moms grocery was in trouble, a stranger(thief) went inside to rob and they caught the robber.
That was 30 mins after our internet shop closed. We rushed to the store immediately together with meo juan and my brother john. I saw meo making the guy a punching bag. He was about my age.
My GF sheila followed, and we went to the police station and reported the incident. The police officers immediately responded and they brought the thief to the station and we followed there they were mocking the suspect and so I came and gave one full punch right above the eye.
They were shocked when the guy fell like a TKO in boxing. There I saw all the things he stole like the watches, polo shirts, sim packs and many others. I filed a police report ,now he is in jail.
Gays who used to chat in my brother's cafe went also at the police station because they have heard of the news that this thief is gay. And they also shouted "kawatan".He was mocked by them.
I have heard that the respondent now is out of jail, waiting for the sub peona (i dont know if my spelling is right.) for the arrest warrant so happened also that he is a long distant relative....
sorry, i cannot post any pics.....was not in my mind to take some shots......
Friday, July 24, 2009
Pinatay sa Tindahan ni Anti Jen
Nagtaka ako bakit sakin tumatawag, kasi CP pala ni dad lowbat.
Nanginginig ito kasi sa harapan pala ng tindahan pinatay si "Curl"di totoong name.
Sa may leeg ito tinamaan 45 daw ang tinira dito.
Walang maxadong naka aninag sa bumaril dahil sa bilis ng pangyayari, at sa madilim pumuwesto ang gunman.
Bigla itong pumasok sa tindahan ni Anti Jen na duguan sa leeg, hawak nito ang leeg. Xempre naman sa takot ni Anti pati ni Ate Nice na buntis 3 months napatakbo sila papuntang bahay namin saka nanginginig ito na pumunta kay mom,pati rin si mom halatang nininerbyos ang tinig sa phone.
Nagkagulo sa palengke sa bukid , nadala sa ospital ang biktima at ayon pa sa mga nakasaksi nakalakad pa ito papuntang ambulansiya na malapit lang din sa pinangyarihan.
Kilala itong si Curl na Wais sa sa lugar namin.
Speed Boat ang kotse ko
Hapon na kami umalis ng bahay at 4 pm na kami nakarating sa engineering office ng city.
Nagalit ako sa isang staff doon dahil walng paki alam, sabi sa monday nalang daw.
Umalis kami, then nagounta kami sa isang minute burger para kumain, buy 1 take 1 kaya sulit after dahil mainit nga nanood kami ng Harry Potter half Blood Prince sa Gmall.
Habang kagitnaan ng movie dinig namin na napakalakas ng ulan sa labas.
Pagka labas namin malakas na malakas nga ang ulan..
Sinubukan kung baybayin ang ang Bajada Street, hindi ko tinuloy kasi malapit na sa tuhod ang tubig then may mga taxi at kotse na tumrik sa daan.
Balik agad ako sa may gmall at sinubukan ko ang way papuntang Dacudao sa di inaaasahang pangyayari muntik ng tumirik ang kotse sa laki ng tubig, para kaming nakasakay sa speedboat kasi may tubig na sa sahig ng kotse ko.
Tumitilamsik ang tubig sa hood ng kotse, biglang pumalya ang makina, pero nakaraos din. Biglang liko sa kaliwa.
"ayun" sabi ni wifey may mataas na lugar doon kami na save ang mga iba nasa gitna ng daan.
Pumapalya parin hanggang sa nakauwi kami ng bahay. Ngayon napakalakas na naman ng ulan kumukulog kumikidlat, malakas, parang mabibi ak ang atip namin. Ewan kopa kung matutuloy kami celebrate anniversary namin sa labas.
Sana tumahan na ito.....
Goodbye na si wingwing
hanap kami new katulong siguro si pokwang ang request ko kina mommy....okey din kasi si Pokwang kay wifey......
si Wingwing ang butihing kasambahay namin
siya si pokwang katulong namin sa bukid, siya request namin papalit na katulong
Thursday, July 23, 2009
Happy 2nd Anniversary Maot ko
Ako nga ang nauna.
2 years na kami na live in partner.....
Mahal na mahal na namin ang isa't-isa.
Nag-umisa kaming magkakilala sa carpark ng gmall.
Crush niya ako nung una ako naman okey lang.
Naging madalas ang text niya sa akin about lovelife..
Hanggang sa nagkasundo kami na maging magsyota....
May rules pa kami na bawal mahuli na may kasamang iba at one text a day lang....
Di namin naviolate ang rules na ito....
Hanggang now we are still together.
Its not how you start but how you play with temptations.
I love you wifey.
Wednesday, July 22, 2009
Pinalayas!
Habang kami ay kumakain nanooud kami ng Santino and then as usual nasa computer na naman ako while watching TV.Its like I cannot imagine how boring life would be without a net.
Then, tumunog cellphone ko, may text si Wa-it.
"San Kayo" text niya
"bahay lang kami" reply ko
"san ka pla" text ko
"tigatto bilis walang tao" text niya nandoon siya sa videokehan sa tigatto
Kaya sinabihan ko si wifey if gusto din niya bang magvideoke, eh gusto niya rin kaya nagbihis na kami at dumiretso sa Tigatto.
Masaya naman doon nakita ko na papalabas ng palce si Sir E.S. at isa niya pang kasama na bading.
uuwi nadaw sila may dinaanan lang.
Kaya pumasok na kami sa videokehan, nandoon na si Wa-it at si Lee. Si Lee at Wa-it ay mga Atenista din. Bading si Lee, at si Wa-it naman ay kababata ko na bading na may maganda ng work sa isang politician, hindi kona sasabihin sino bosing niya.
Si Wait ang nag introduce samin sa lugar na yun at 2nd time na namin na pumunta doon.
Inuman, kantahan and then dumating ang BF ni Wait si "Bekin" Hindi tootong panagalan at isa pang kasama nito na nagkataon na kapitbahay lang pala namin.
And then tuloy ang kulitan, biritan hanggang sa sinabi ni wa-it.
"lasing na ako" sabi niya
"Horny kalang" sabi ko
hahahahahahahahahahahahaa, tawanan ang lahat at nagpatulo parin kami hanggang sa tinigil na ang videoke at nakaka 12 litro na kami ng redhorese anim lang kami.
Hanggang sa lumabas ang may ari, Si Bakang, Isang Hapon, sabi ni GG yung kasama ni Bekin na never niya pa nakita na naka t-shirt ang hapon laging nakahubad si Bakang.
Nagsungit na si Bakang sinita ang mga cigarette butts sa ilalim ng mesa, pinatay ang sounds and pina refund ang natitirang RH na hindi pa namin nauubos.
Lumabas agad kami ni wifey naiwan ang apat sa loob habang nagbabayad si wa-it.
Naiwan si Bekin, GG, Lee at wait at sabay silang sinabihan ni Bakang na "Go out now, go out" nakita namin ni wifey mula sa baba kasi salamin ang design ng pinto, at pabababang hagdanan.
Nakakainsulto kasi lage pa naman si Wa-it doon. Pero okey lang din. Nainis na si Bakang 3 am narin kasi.
Umuwi na kami ni wifey at palagay namin 2 couples sila sa saksakyan ni Wa-it.
Sabi pa ni Bekin "bastos"
Pagka liko sabi ko "smooth sailing guys"
Natapos na naman ang isang araw na parte na ng kasayasayan.
Masaya sa Bukid
While nandito kami eh pumasyal na kami sa farm ni dad.
eto ginamit naming sasakyan.offroad
ang bahay namin sa farm/madami ding puno ng mangga at mga alagang manok, kambing, lovebirds and marami pang ibang ibon
ang saging sa harap ng bahay
ang mga payat na talong
si wifey kasama si ging2x ang makulit na aso na anak ni bubbles
ang bagong alaga sa aming farm si sweet/python
Saturday, July 18, 2009
Beautiful Pinay Celebrities
They were all beautiful and sexy.
I like them all, and I decided to write a blog on my celebrity crushes.
I intended to put only ten. So ill be editing this blog anytime soon.
Ang paborito naming si Alessandra de Rossi.
Ang idol namin ni wifey Angel Angeles
Ang napakagandang si Angelica Panganiban. Ganda ganda
Anne Curtis
Maricar Reyes, Sarap niya tingnan sa video, okey lang nagkataon na kumalat yun, ginagawa yun ng lahat.
Ang nakakalibog na si Eva Fonda(Christine Reyes)
Bangs Garcia(hinog na hinog)
Ang bagong Rosalinda Carla Abellana
Angel LOcsin
Thursday, July 16, 2009
Kababloghan 2
Kagabi habang kami ay nanonoud ng TV ay may balita tungkol sa mga estudyanteng sinapian ng masasamang espiritu.
Naalala ko ang nangyari sa isang high school sa aming bukid.
Katabi ng kanilang paaralan ang sementeryo ng lugar.
Nagkataon na nandito din kasama nina dad at mom ang buddy niyang si Budoy.
Ayon pa sa kaniya kagayang kagaya din ng balita sa TV ang kaniyang nasaksihan sa paaralang yun.
May apat na estudyanteng naglaro ng spirit of the glass sa kanilang room.
After a while walang naka alis sa kanila at sabay silang apat na naglupasay.
Hanggang sa sumunod pa ang ibang estudyante.
Agad na tumawag ng arbularyo at doon ginawan ng ritual. Natahan naman at naagapan at nawala ang sanib.
Kinabukasan bago paman nagsimula ang klase after nila mag flag ceremony at nakabalik na sila sa mga classrooms ay may sumunod na apat na estudyante, sumunod ulit sa ibang rooms, hanggang sa umabot ng sampo, eleven at ang isang teacher sa school.
Agad na nag alarm ang school at nag announce na iwanan ang school at lumabas lahat ng students papunta sa harapan ng school na isang highway.
Habang tumatakbo ang mga estudyante mangilan ngilan ang hindi umabot dahil naglupasay at nagwala ang mga ito sa gitna ng open area ng campus.
Iisa ang kanilang nakita bago sila hinimatay at sinaniban Isang babae na nakapula, maganda at may scar sa face.
Ayon pa sa kwento ito daw ay nakatira sa isang punong pinutol na mga 200 years old na.
Tinawag nila itong lady scar face, or red lady.
Ang ilan sa mga estudyanteng naglaro ng spirit of the glass ay huminto na at lumipat narin ang iba sa ibang schools.
Natapos rin ang aming kuwentohan about sa red lady at kinuwento ko ang nagbigting si J kina Dad.
nangilabot sila sa kwento, sinabi kona na ayaw kunang banggitin ang panagalan nito pero tinanong parin ako ni dad nabanggit ko rin ang name.
Ang aking dahilan kung bait ayaw ko nang banggitin ang name nito dahil maraming beses na akong tinakot at kinilabutan. May one time na nawala ang lasing namin dahil sa umalolong ang mga aso namin at sa kapitnahay.
Kaya pagkatapos ko mabanggit ang name ni "J " ay kumalabog ang atip ng bahay na parang may nahulog na niyog.Naniwala narin si dad sa lakas ng puwersa ng kahindik hindik kung kwento. "Sabi konga wag nalang pero tinanaong moko eh"
Basahin niyo yung mga blog ko na kababloghan at nginig ng dear thanks para masubabayan niyo ang kuwentong ito.
Agad akong nagdasal at humingi ng tawad for the third time.
Wednesday, July 15, 2009
43rd Araw ng San Isidro ( ako nakahost)
Nagbihis kami ni wifey pumunta na sa event.May isang kagawad ng munisipyo ang lumapit sa kin at tinanong ako kung nasaan na ang aking kasamang host para sa pageant.
"Ha" agad kong sabi
"Hindi po ako ang host tonight maam" dugtong ko
"Hindi dapat ikaw kasi ikaw ang nilagay sa voucher at may talent fee kapang isang libo"pagmamalaki niyang sabi
Hindi ko maipaliwanag ang sarili, tumanggi ako sabi ko na ayaw ko.
Pero she insisted "hindi pwede kasi ikaw talaga"
Ako din kasi ang naghost noong nakaraang year, may kasama ako kaya madali at nacombine namin ang aming ideas. Pagkamablanko ang isa sinsalo ang isa.
Then ako ang naipit this year, tapos hindi ako prepared sa flow ng program. Talagang i did not have even singles idea.
But then to save the show for the bes I accepted the task.
Hindi madali masyadong pressured ako, walang runner from the backstage and me as the host, nauubusan ako ng adlib, hindi madali.
Dumating ang preliminary interview at ako parin. 16 candidates isa isa kong tinanong casually. Pabalikbalik ang mga tanong ko mga 5 questions lang salitan.Ika nga nila may mga kandidata na dogshow, may iba smart talker, buckle at iba hindi talaga nakasagot ng tama,
"boooooooooooo" galing sa audience
"idlike to request the audience to stop Bbbboooing and critisizing the candidates because its not easy to be on stage, its nerve cracking guys" sabi ko
{twice kona niremind ang audience}
Hanggang sa may isang kandidata na na boooooooooo ulit instead of saying Barangay Banayad ay Municipality of Banayad, klarong mali siya, at na boo siya ng mga tao kaya sinalo kona.
"you mean Barangay Banayad"
Then ako na ang tinira ni candidate, eto ang sinabi niya:
"soory po tao lang po nagkakamali, you know nobody is perfect" sabay tingin sa akin at nagpatuloy sa kanyang sagot.
Lalong naghiyawan ang mga tao may mali ulit ang sagot niya.
After niyang sinabi ang lastword, "That would be all thank you"
"Thats what i call ATTITUDE"
Tawa ng tawa ang mga classmates ko sa mga nangyari tapos deadma lang hindi nakakaintindi kung positive ba o negative ba.
Inintindi ko nalang na kinakabahan talaga yung kandidatang yun....
Maganda pa naman sana........
Hindi pa siguro time na siya ay mapasok man lang sa magic five.
May isapang kandidata na matangkad at maganda na nung tinanong ko siya:
"WHat preparations did you do in joining Hiyas ng Turismo?
-"nothing much aside from i sacrificed my firstweek in school just because of Hiyas"
HIndi ko nagets kaagad kasi sa pagkakaintindi ko parang mas importante pa ang pageant kaya follow up ko siya ng tanung.
"WHat do you mean by that you sacrificed schooling and you prioritized more the pageant" taong ko sa kanya
"No, wHat I meant was not everyone is given the opprtunity to join Hiyas ng Turismo so i just grabbed the opportunity, i can still cope with school."
Jenifer Simbajon
"Very well said" appreciate ko kasi masyadong smart sumagot.
Sarah Garcia/ Miss San Isidro Davao Oriental 2009
Siya naman ang nanalo, but sad to say hindi siya nanalo sa Miss Davao Oriental 2009
Kinabukasan ay ako din ang nakahost sa Anniversary program with the field demonstration contest by school.Nandoon din ang aming mahal na gobernador si Maam Cora Malanyaon.
Masaya din pala kami kasi niregalohan niya ang aming munisipyo ng 10 minutes na fireworks display.
Ang mga sumusunod na pictures ay kuha sa naturang patimpalak.
Bonsai Contest din at ang mga nanalong Bonsai;
1st Place/ P10,000
2nd Place/ P7,000
5th Place
Hindi ko nakunan ang 3rd place and 4rth place
Exam Day
Exam ko today kasi dapat sana noong Monday pa kaso may strike kaya walang pasok at hindi natuloy.So sa madaling sabi apat ang exam ko kanina.
Lahat ay tunkol sa Education subjects.Teaching profession, Principles of Teaching, Early Childhood Development and Child and Adolescent Development. Ang dalawang exam thou mahaba madali kong natapos pero yung dalawa lalo na ang Principlesof Teaching para akong mabubuang kanina....
Napag aralan kona ang exam kasi nabasa ko na pero sadyang masyadong mahaba ang mg articles na babasahin about 5 Philosophies of Education. Ewan koba advantage kona sana dahil ang pinag aralan ko ay saktong yung ginawang exam......
Nakalimutan ko ang iba at dahil sa haba ng mga articles ay nalito ako sa mga key conecepts kaya stocked knowledge nalang ang ginamit ko.
Good luck sa mga results....
Wala akong pasik buks at hindi ako papasok sa Friday so mga pata na araw din ang aking pahinga.....
Ayos!
Saturday, July 11, 2009
X-men forever
Gambit
Just this week sa ABS CBN ay sinimulan nila ang advertisement para sa xmen and wolverine and so naalala ko yung aking kabataan.
My childhood was so fortunate to enjoy the xmen cartoons...
I remember those days when somebody of my age would shout "X-Men na"
The means na 6:30 PM na at kaming lahat ay nasa isang bahay na at doon makikinood kami .Wala kasi kaming TV noon.
Not so well!
I'm not used to be like this. I used to party confidently at night. But now its gone.
I hate seeing myself this heavy. This makes me so weak and ugly.
I just had my homework out today, again for another start.
Hopefully i'll succeed just like the old days.
Wish me luck guys!
Thursday, July 9, 2009
KABABLOGHAN
Habang si J ay nasa loob na na kanyang kabaong at nag umpisa na ang padasal sa kaluluwa ng nagpakamatay ay nandoon na kaming mga classmates, teachers at mga kaibigan at kamag-anak niya.
Ang suicide nyang iyon ang una sa aming paaralan kaya nga natatakot ang mga magulang namin at ng mga iba pang estudyante na gayahin ang kanyang ginawa.
Sa katunayan naisip kona rin yun pero hindi ko kaya, dahil narin siguro sa malaking takot ko sa Diyos.
Sabi pa noong mga ibang tao matapang siya sa kanyang ginawa pero duwag in the sense na sumuko siya sa mga hamon ng buhay.
Isang boung Linggo na walang kuryete ang kanyang burol.
One night habang nasa lamay kami ay masaya naman, di naman ginawang ganoon kalungkot.
Subalit nagulantang kai noong ang kanyang isang pinsan na itatago natin sa pangalan Rain ay tumayo at sabay sabing "ayokong sumama" agad siyang nilapitan ng kanyang tita at mga pinsan.
Takot at pangamba ang aming naramdaman.Nanaginip ito habang naglalakad.Tinanong siya ng kanyang mga kamag- anak kung ano ang panaginip niya at kung bakit niya sinabing "ayokong sumama"
Eto ang kanyang panaginip:
Naglalakad daw siya at nakita niya ang nagpakamatay na pinsang si J. May kasama itong isang malaking tao, matangkad ito,at di niya maaninag ang mukha.Magara ang sout nitong damit pati narin ang nagpakamatay. Inaya daw siya ng mga itong sumama kasi lilipat na daw sila sa malayo.
Gising ang kanyang diwa kaya niya sinabing "ayokong sumama" at nagising na siya na puno ng takot at umiiyak ito.
Nagdasal ag pamilya at umuwi narin kaming mga magkakalase.
Kinabukasan habang kami ay naghahapunan ay napag usapan namin ang pangyayaring ito at natakot si mommy.Dumiretso ako sa likod bahay namin pagkatapos kumain. Dala ko ang isang handset radio at kausap ko ang isang ko pang classmate over the radio.Hindi pa uso sa amin ang cellphone.
"Anu ginagawa mo ngayon over" tanong niya
"eto nagpapahinga sa duyan sa likod bhaya namin" sagot ko
"pupunta kaba sa burol" tanong ni jena
"mamaya na siguro mga eight or baka bukas nalang"
"sino kasama mo jan" tanong niya
"si j" sabi ko
pagkasambit ko ng kanyang panagalan ay agad na nag-ingay ang mga manok panabong ni dad. Yung parang may nakitang kung ano sa madilim na paligid, very strange and unusual ang naramdaman ko.Pagkatingin ko sa itaas ko, isang napalaking paruparu ang aking nakita.
Napaluha at ako napaihi sa takot. Tumakkbo ako papasok ng aming bahay na namumutla.
Nagtaka si jena kasi pindot pindot ko pala ang ptt ng radio handset sa aking pagtakbo at kakaiba ang kayang narinig.
Nagtaka rin sina mom bakit daw ako namumutla, wala naman akong sinagot sa kanila.
Hindi nga ako natuloy sa pagpunta sa burol ning gabing yun pati narin si jena na nakaramdam ng takot.
Nag usap nalang kami at kinuwento ko sa kanya ang aking naramdaman at nakita.
The day bago ilibing si J ay nandoon kami pero umuwi din kami kaagad pagkatapos ng padasal.
Yun pala ay napossess na ang kanyang pinsang si Rain na nagwala, parang may kung anung sumanib.Ayon pa sa kuwento ay sunod-sunod pala ang panaginip nitong isasama siya.Kaya lang tumatanggi siya pero may kung anung puwersa na parang gusto niyang sumama.
Nagwala si Rain at hinimatay. Namutla at ito at mahina ang pulso na animoy walang buhay.Puno oto ng pawis.Pinahiga nila ito binigyan ng paunang lunas.
Spirit of Amonia at kung anu-anu pa.Ayaw parin nitong magising.Kinurot nila ito ayaw parin itong magising.May isa sa mga tita niya ay sinampal ito ng malakas, ganun parin ayaw magising.
Habang ang iba ay nagbibigay ng paunang lunas ang mga iba naman ay nagadasal at kinakausap si J sa kanilang dasal na huwag na isama ang pinsang si Rain. May kumuha ng aspili at tinusok nila ito sa daliri para makaramdam ito ng sakit, wala parin itong naramdaman.
Nagpasya kaagad ang kanilang pamilya na dalhin ito sa ospital para makasiguro, Kaya agad na kumuha ng sasakyan at habang sila ay nasa loob ng sasakyan, sakto naman na may nagsuggest na idaan sa isang arbularyo sa aming lugar. Kaya dumaan sila sa isang arbulary na nasa gilid lang ng highway.Hindi naman tahimik ang bahay ng arbulary kasi nakatira siya sa poblasyon.
Binuhat nila si Rain papasok sa bahay ng arbularyo, at may ginawang paunang ritwal ang arbularyo about sa mmga taong may sanib.Pagkasindi nito ng kandila at hinawakan sa pulso at ulo si Rain habang may binubulong. Agad itong lumiyad at nagising. Parang may kung anung pwersa ang pumasok sa kanyang katawan, parang bumalik ang kanyang kaluluwa sa katawan.
Nandoon asa may pintoan ang ilan sa kanilang mga kamag anak.
Ng biglang......nagsalita ito na "papasukin nyo sila nsa labas lang sila"
Nabalot ng kaba at takot ang mga nandoon.Nakakapanindig balahibo at ang iba ay di maiwasang mamutla at maihi sa nasaksihan.
May mga sinabi pang orasyon ang arbularyo sabay palo ng kanyang kamay sa braso ni Rain.
Sabi ng arbularyo pinipilit siyang isama ng namatay at ng isang lalaki na nasa kanyang panaginip.
May tao daw kasi na nakatira sa puno na pinagbigti-an niya. Na siya ring dahilan at nangumbinsi kay J na magbigti.At kung di nila dinala sa kanya malamang ay masama nga ang nangyari kay Rain at tuluyan narin itong sumama.
Akala namin na hanggang doon nalang ang kababalaghan.
Kinabukasan araw na ng kanyang libing. Habang kami ay dumiretso na sa sementeryo.Pero tumawag pala ng arbularyo ang tatay ni J para putulin ang punong acacia sa gilid ng bahay nila.
At sa sementeryo pagkatapos ng huling dasal ay pinaputol sa akin ng isang teacher ang isang rosaryo at itapon ang mga bids sa kanyang libingan, pangontra daw ito para wala nang sumunod na magsuicide.
Nagsi-uwian narin kami.
Sa kanilang bahay nasaksihan ang isang pang nakakapangilabot na pangyayari.
Alas tres ng hapon nang simulang ng arbularyo ang ritual sa pina andar ang chainsaw. Nag alay din ng isang manok na puti. Akmang natamaan ang puno at namatay ang chainsaw. Sinubukan nilang paandaring muli pero ayaw na nitong umandar.Kaya mas tinindihan ng arbularyo ang pagpapalayas sa taong nakatira sa puno.Nung una ay pinakiusapan niya ito pero sadyang ayaw ng engakanto. Madaming rituals at pina andar ang chainsaw, matagal pero umandar narin sa kalaunan. Bago naman ang chainsaw na ginamit. Tinamaan na ng chainsaw ang puno at habang malapit na itong maputol nasa kalagitnaan na. Biglang sumigaw at nagawalang muli si Rain. Lumalabas na ang mga litid nito sa leeg na parang siya ang pinuputol ng chainsaw. Nung maputol na ang puno ay hinimatay na naman si Rain. May isa pang arbularyo na nandoon kaya siya na ang gumamot sa binata.
Todo dasal ang pamilya kaklase na tumahimik na ang namatay.
Sabi g arbularyo umalis naraw ang engkanto at si J. Nakakuha nga siya ng isang depress na high school student.
Makilang bese kona nakuwento ang kababalaghang ito hanggang sa nung isang beses at tinakot ako sabay alolong ng aso. At biglang pagsara ng pinto sa terrace.
Kasama ko ang bestfriend ko at mga ilan pang nakakaalam. Kaya tinigil kona. Sinulat konalang sa blog.
Sa mga makakabasa sana hindi kayo tatakutin ni J.
Wednesday, July 8, 2009
Huli ka!
Naisipan namin ni utol na hindi na lumabas ng bahay pagkagabi dahil medyo pagod na sa pag entertain ng mga bisita.
Nag inuman parin kami pero sa bahay nalang. Pagka medyo okey na ang kargada ay natulog narin kami.
Habang nasa kwarto na ako kasama si wifey at sina na utol at misis niya sa kabila ay naririnig ko parin ang lakas ng tugtug galing sa Disco.
Kinabukasan habang kami ay nananghalian kasama ang mga buddies nina utol ay nagtatawanan kasi may nakakatawang nangyari daw sa Disco.
Eto ang kuwento:
May isang babae na 16 years old palang na nagdisco kasama ang boyfriend niya na menor de edad din daw. Lumabas sila ng Disco at nagpunta kung saan makapag usap sila.
Madaming bantay sa paligid kagaya ng mga baranggay tanod na nasa mga gilid gilid.
Napagpasyahan ng dalawa na maghanap ng lugay na sila lang.Wala sigurong bahay na pwede kaya nasa gilid gilid lang din sila nagpunta .
Madilim ang lugar na di nila alam na may mga tanod na pala na nagkubli sa damohan.
At dahil alam ng mga tanod na nagtatalik talaga sa lugar, minabuti nila na mauna na sa lugar.
Ayon pa sa kwento nagsimula ang dalawang teenagers sa kanilang maiinit na halikan. Pinalabas nila ang kanilang kamunduhan. Habang sila ay nasa ganoong kalagayan ay hinayaan na siguro muna na makaraos ang dalawa or sa gitna ng kanilang tagpo pa sila sinita.
Pero bago paman sila sinita alam ng mga tanod na inaararo na ng husto ng binata ang dalagita. Sianasagad, umuungol, lumiliyad at mabilis.Mapusok nga kasi mga teenagers.
Hindi hinubad ang boung pantalon nila kasi nga open area yun kahit na madilim.
Mula sa hindi nila alam na drecyon ay sinita na sila ng mga tanod.
"hoy anu yan" tanod.
Nagulantang ang dalawa sa kanilang mga mainit na tagpo. Naka tihaya si babae sa sirang upuan nung sila ay sinita na. Walang madaming salita at tumakbo na ang binata.
naiwan si dalaga at sumunod din ng takbo.
Naawa sila imbis na matawa kasi umiiyak na tumakbo ang dalagita na hindi pa ayos ang pantalon, lukot pa ang kanyang salawal at nakita pa ang kanyang puwet nung siya ay tumatakbo papuntang liwanag.
Naging usapan nga ng mga tambay at naidentify pa kung sino ang dalaga. Kilala ng mga pamangkin ko.
Sunday, July 5, 2009
IMORAL SA ILALIM NG TULAY
Pagkadating ko sa likod ng aming bahay nandoon ang mga buddies ni dad na nag-uusap tungkol sa kumakalat na balita sa bukid namin.
Eto ang kuwento. May isang babae na mga late 20’s at isang habal-habal driver na nagkarelasyon. Kapwa sila may mga asawa. Ayon sa kwento madalas na magtampo ang dalawa sa ilalaim ng tulay at doon nila ginagawa ang kanilang makamundong gawain. Madalas ito, ayon sa mga blita.Dahil nga sa pareho silang may asawa minabuti noong mga nakakita na ilihim nalang ang nasaksihan sa ilalim ng tulay.
Lingid sa kanilang kaalaman may tao siguro na nagsumbong sa asawa ni lalaki or may napansin siguro itong kakaiba sa mister. Hindi naman sila nahuhuli ng kanilang mga asawa kaya tuloy ang saya sa ilalim ng tulay. Pagkakataon narin siguro ang nagdesisyon na malantad ng bonggang bongga ang kanilang kamunduhang adventure.
Isang gabi habang ang mga ito ay sArap na sarap sa kanilang ginagawa, nag papakasasa si lalaki sa babaeng pagmamaya-ari na mg iba as usual sa ilalim ng tulay ay may di inaasahang pangyayari nag lock ang kanilang mga katawan. Ayaw na matanggal ng sandata ni lalaki sa hiyas nI babae. Ayon sa mga kwento ay nagtago ang mga ito at humingi ng tulong sa malapit na bahay.Tinulungan sila at binigyan ng isang malaking kumot. Ang nakakatawa pa ay Doggy Style sila na lock. Mabait naman siguro ang nahingan nila ng tulong dahil tumawag ito ng jeep na hire nila at hindi sa munisipyong ambulance.parang normal na nakakandong si babae kay lalaki habang dinadala sa ospital.Siguro iniisip nila ang kahihiyan sa kanila at sa pamilya nila.
Hanggang ngayon maraming versions ang tunkol sa balitang ito. May version din na paano sila natanggal mula sa kanilang pagkaka lock "ungot" sa bisya. Na dahil sa isang habalhabal driver si lalaki ay pinagsout na lamang daw si babae ng mahabang palda at sumakay sila sa habal-habal na naka Ungot parin ang sandata sa hiyas. Napicture out ko na parang wala lang nangyari kung ganun at sila na ang nagdala ng kanilang mga sarili sa ospital.
Pumunta kami sa palengke at yun din ang usapan ng mga tao., Sa Ukay-ukay ganun din. Kaya agad kong binalita kay mommy ang tungkol dito. Shock sila, hindi pa daw nila narinig. Akma naman na may isang bumibili na sinigundahang totoo ang balita.Ginawang katatawanan. Ayon pa sa iba nilagyan daw ng pulbos ng pawikan ang brief ni lalaki para malock siya sa kabit niya.
Dinala sila sa pagamutan at doon sila tinurukan ng pamparelax ng muscle. At natanggal sila sa pagkakaungot.....Nabubuang ako sa balitang ito.
MANGGA GALING SA FARM
SI DADDY
Doon ay may mga karton sa kusina na puno ng mangga galing sa aming farm sa manikling, hinog na ang mga ito at binenta na sa taboan ang iba kasi Sunday.
Malalaki ang mangga at napakatamis ng mga ito.
SI WIFEY AT UTOL
Si ate Nice at apyang ang mga nagbebenta sa taboan ang iba naman sa pwesto ni mommy at ang iba ay kinakain namin .
Pag-Ibig
Dumating kami sa bukid ni wifey 5:30 na ng hapon. Medyo pagod narin ako sa pagmamaneho ng dalawang oras at kalahati galing Davao. Umuwi lang kami dahil 29th anniversary nina daddy at mommy bukas.
Pero bago pa kami dumeretso sa bahay talaga sa poblasyon, dumaan muna kami sa isa pa naming bahay sa Manikling. Sa farm ni dad. Hinatid ko din ang isang manok na panabong. Nagkataon na nandoon din pala sina mommy, daddy, ate Nice, janung, mimi at mga buddies ni dad.
Timing ang pagdating namin, luto na saging, inihaw na isda na may kasamang “Guinamos” sarap. Pagkatapos naming kumain nagpabili ng inumin si dad, 3 boteng red horse.Si mommy ang last shot.
Umuwi na kami sa poblasyon. Kumain na naman kami ng hapunan. Nabitin ako sa inuman kaya niyaya ko si utol para sa inuman. Pumunta kami sa Internetan ni utol at dun kami sa harap nag inuman.
Sina mommy and daddy
Habang nasa labas kami ng shop may lumabas na isang binatilyo na BF pala nung katiwala ni Utol. Then may lumabas na isang babae bata pa ito 18 years old. Tinanong ni utol kung balit namamaga ang mga mata nito, saka ko palang napansin na galing ito sa iyak.
“emo emo pala to ngayon” sabi ko
siya ay itatago natin sa pangalang Palang
siya naman ang kine anyos na itatago natin sa panagalang Daboy(exbf ni palang
“Hindi naman” maikli nyang sagot sabay check ng celpphone
Napag alaman ko na ang babae pala ay hiniwalayan ng kanyang boyfriend na itatago nalang natin sa pangalang Daboy. Nakuwento sa akin ni janong na kay babae niya natuklasan ang hiwaga ng buhay sa pinaka unang pagkakataon.
Habang nag iinuman na kami tinawag nila si babae na itatago nalang natin sa pangalang Palang. Si Palang alam kong pinipilit nitong maging masaya. Kami nalang ulit ni utol ang nasa labas ng shop niya pumasok narin ang mga computer boys. Sumunod si utol sa loob.
Biglang nag ingay sila sa loob ng shop, kumakanta at nagtutuksuhan.
“sorry na talaga sa aking nagawa” kanta ng parokya ni edgar
Bumukas ang pinto ng shop nakita ko si Palang na nakatawa nalang sa tukso.Inakala ko pa tuloy na nagkabalikan na ba ang dalawa. Nagpatuloy ang usapan madami na kami na nag inuman kasama si daboy,palang,utol kong si janung at wawe. Sentro ng aming usapan sina Palang at Daboy. “walang sisihan yan” nasabi ko kay Daboy.
Hindi kona namalayan na alas dos na ng madaling araw, may isang suki si utol na kakilala ko na si Maxel, schoolmate ko nung hayskul. Napag usapan namin ang politika na may rumor na may isang tao sa bukid namin na tatakbo sa pagka alkalde.Aside sa kasalukuyang papalit sa tatay ko na si VM, ang taong ito ay kailala ng kramihan sa amin.
“Walang tao sa bukid namin na di nakakakilala sa taong ito.” Dagdag ko
Hindi kona siabi kung sino ito.Para naman may thrill diba.
Nang biglang may nadinig ako na,”pol tama na yan” paimpit ang pagkaksabi.
Nilingon ko si dad at mga buddies niya sinita kami.Kaya tingil ko rin ang inuman pagkatingin ko sa relos ko alasingko na ng madaling araw. Umaga na pala.