Friday, July 24, 2009

Speed Boat ang kotse ko

Napakainit ng weather kahapon, inutusan kami ni dad na i follow up ang Certificate of occupancy namin sa City hall.

Hapon na kami umalis ng bahay at 4 pm na kami nakarating sa engineering office ng city.

Nagalit ako sa isang staff doon dahil walng paki alam, sabi sa monday nalang daw.

Umalis kami, then nagounta kami sa isang minute burger para kumain, buy 1 take 1 kaya sulit after dahil mainit nga nanood kami ng Harry Potter half Blood Prince sa Gmall.

Habang kagitnaan ng movie dinig namin na napakalakas ng ulan sa labas.

Pagka labas namin malakas na malakas nga ang ulan..

Sinubukan kung baybayin ang ang Bajada Street, hindi ko tinuloy kasi malapit na sa tuhod ang tubig then may mga taxi at kotse na tumrik sa daan.

Balik agad ako sa may gmall at sinubukan ko ang way papuntang Dacudao sa di inaaasahang pangyayari muntik ng tumirik ang kotse sa laki ng tubig, para kaming nakasakay sa speedboat kasi may tubig na sa sahig ng kotse ko.

Tumitilamsik ang tubig sa hood ng kotse, biglang pumalya ang makina, pero nakaraos din. Biglang liko sa kaliwa.

"ayun" sabi ni wifey may mataas na lugar doon kami na save ang mga iba nasa gitna ng daan.

Pumapalya parin hanggang sa nakauwi kami ng bahay. Ngayon napakalakas na naman ng ulan kumukulog kumikidlat, malakas, parang mabibi ak ang atip namin. Ewan kopa kung matutuloy kami celebrate anniversary namin sa labas.

Sana tumahan na ito.....

1 comment:

  1. kailangan mo pacheck up ang sasakyan mo....mahirap na baka mu ungot yan...

    alam mona mga gear oil and lubricants niyan

    ReplyDelete

 
Subscribe to updates Subscribe to updates