Sunday, July 5, 2009

Pag-Ibig



Dumating kami sa bukid ni wifey 5:30 na ng hapon. Medyo pagod narin ako sa pagmamaneho ng dalawang oras at kalahati galing Davao. Umuwi lang kami dahil 29th anniversary nina daddy at mommy bukas.

Pero bago pa kami dumeretso sa bahay talaga sa poblasyon, dumaan muna kami sa isa pa naming bahay sa Manikling. Sa farm ni dad. Hinatid ko din ang isang manok na panabong. Nagkataon na nandoon din pala sina mommy, daddy, ate Nice, janung, mimi at mga buddies ni dad.

Timing ang pagdating namin, luto na saging, inihaw na isda na may kasamang “Guinamos” sarap. Pagkatapos naming kumain nagpabili ng inumin si dad, 3 boteng red horse.Si mommy ang last shot.

Umuwi na kami sa poblasyon. Kumain na naman kami ng hapunan. Nabitin ako sa inuman kaya niyaya ko si utol para sa inuman. Pumunta kami sa Internetan ni utol at dun kami sa harap nag inuman.

Sina mommy and daddy

Habang nasa labas kami ng shop may lumabas na isang binatilyo na BF pala nung katiwala ni Utol. Then may lumabas na isang babae bata pa ito 18 years old. Tinanong ni utol kung balit namamaga ang mga mata nito, saka ko palang napansin na galing ito sa iyak.

“emo emo pala to ngayon” sabi ko

siya ay itatago natin sa pangalang Palang



siya naman ang kine anyos na itatago natin sa panagalang Daboy(exbf ni palang

“Hindi naman” maikli nyang sagot sabay check ng celpphone

Napag alaman ko na ang babae pala ay hiniwalayan ng kanyang boyfriend na itatago nalang natin sa pangalang Daboy. Nakuwento sa akin ni janong na kay babae niya natuklasan ang hiwaga ng buhay sa pinaka unang pagkakataon.

Habang nag iinuman na kami tinawag nila si babae na itatago nalang natin sa pangalang Palang. Si Palang alam kong pinipilit nitong maging masaya. Kami nalang ulit ni utol ang nasa labas ng shop niya pumasok narin ang mga computer boys. Sumunod si utol sa loob.

Biglang nag ingay sila sa loob ng shop, kumakanta at nagtutuksuhan.

“sorry na talaga sa aking nagawa” kanta ng parokya ni edgar

Bumukas ang pinto ng shop nakita ko si Palang na nakatawa nalang sa tukso.Inakala ko pa tuloy na nagkabalikan na ba ang dalawa. Nagpatuloy ang usapan madami na kami na nag inuman kasama si daboy,palang,utol kong si janung at wawe. Sentro ng aming usapan sina Palang at Daboy. “walang sisihan yan” nasabi ko kay Daboy.

Hindi kona namalayan na alas dos na ng madaling araw, may isang suki si utol na kakilala ko na si Maxel, schoolmate ko nung hayskul. Napag usapan namin ang politika na may rumor na may isang tao sa bukid namin na tatakbo sa pagka alkalde.Aside sa kasalukuyang papalit sa tatay ko na si VM, ang taong ito ay kailala ng kramihan sa amin.

“Walang tao sa bukid namin na di nakakakilala sa taong ito.” Dagdag ko

Hindi kona siabi kung sino ito.Para naman may thrill diba.

Nang biglang may nadinig ako na,”pol tama na yan” paimpit ang pagkaksabi.

Nilingon ko si dad at mga buddies niya sinita kami.Kaya tingil ko rin ang inuman pagkatingin ko sa relos ko alasingko na ng madaling araw. Umaga na pala.

2 comments:

  1. ..hahaha

    ..buangang cyrus uie

    ..classmate me ana

    ..hahaha

    ..gbu

    ReplyDelete
  2. happy monthsary sa mama at papa mo.

    ganyan talaga ang mga bata ngayon.lol

    ReplyDelete

 
Subscribe to updates Subscribe to updates