Thursday, July 2, 2009

Nginig ng Dear Thanks

Matagal kong pinag isipan kung isusulat koba sa blogs ko ang tungkol sa Dear Thanks na poem na ginawa ko.

Sa mga makakabasa nito huwag po kayong matatakot.

Mga taong 2000 sa aming bukid sa isang National High School ay bumalik ang aming kababata sa pag aaral sa aming lugar.Sa madaling sabi nagtransfer siya pabalik.

Na alala ko noong mga kinder garten years na siya ay madaldal at bibong bata.Matalino din siya.

Kaya masaya kaming lahat na mga classmates niya dati na makasama na siya ulit.

Sa school ay madami ding transferees noon, mga bumalik sa aming lugar. Tatlo sila lahat matatalino including narin si "J".Sumali siya sa Drum and bugle corps sa school at sa mga iba pang organizations.

Napansin namin na malaki narin ang pinagbago niya.Di ito pala imik, tahimik lang sa sulok. Magsasalita kapag tinatanong or kinakausap.

Dumating ang first grading namin noon at yun grabe ang competisyon namin sa mga grades. Nadagdagan kaming mga matatalino(hahahahahahahahahaha)

Nung announce na ang top ten namin excited na ako dahil alam ko na i did well sa mga tests.

Silang tatlo ay nakapasok nga sa top ten ang isa second then si J ay fifth katie ko siya sa ranking. Ang isa si yasuy ay nakapasok din sa rank six.

Isang ordinaryong araw sa school, nagkakalase si maam(di kona lang babanggitin name niya) galit ito sa aming lahat at ito ang madalas niyang linya;"Wala kayo sa kalingkingan ko" sabay angat at pakita ng kanyang kalingking.

Lahat kami medyo takot at hindi namin siya gusto. Ang mga taga lower sections ganun din and they marked this teacher maam terror.

This teacher ay nagrerequire na isulat lahat ng notes niya sa aming notebook and she was checking our notes every weekends.

Okey naman sa aming lahat kasi sinusunod naman namin.

Parating na ang Buwan ng wika noon at namimili na nga mag kandidata at kandidato para sa Lakan at Lakambini sa aming school.

Siya ang napili ng teacher na yun, kasi moreno siya pati rin ang babae ay morena rin ang kinuha. Doon namain napag alaman na may agreement sila na bibigyan sila ng extra points sa pagpayag.

Kuakanta siya sa room at tinatanong niya kunga anu daw talent niya, okey daw ba na singing.Kumanta nga siya ng ;

May lungkot sa iyong mga mata
at parang kay bigat ng iyong dinadala

"kung kailangan mo ako"

runner-ups lang ang mga classmates namin sa second year okey narin.

Hanggang sa dumaan ang mga araw tapos na ang second grading. Lumabas na top ten bigla siyang naging rank 9. Nagtaka kami lahat, at alam namain na samukha niya parang masakit sa loob niya dinadaan niya nalang sa kanta.Uso ang westlife noon sa school namin"swear it again" ang lagi niyang kinakanta na kinakanta rin namin.

Demeber na noun at may preparation ang school para sa Parish Day namin. Invited ang DBC sa simbahan para mag exhibition.Kasali siya, Bugler si J.

Habang kami ay nagpapractice sa ground ay hindi ito sumali. Medyo galit sa kanya ang aming trainer at pinapractice siya.

The next day may project kami sa scince na recycled paper. Gumawa kami ng artwork out of those craps.

Siya manipis at maganda ang pagkagawa ng recycled paper niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya pinamigay ang kanyang ginawa at sa halip ay namumulot lang mga tira tirang recycled paper.

Sa hapon nagpractice kami sa DBC, again hindi siya nagpractice. Habang nagpahinga kami sa front ng room namin ay nakita niya na nakisindi ang tatay niya sa school guard ng yosi. Sa tapat lang ng school namin sila nakatira.

Galit siya sa tatay niya na sa guard pa daw nakisindi.

At nagpatuloy ang aming practice ng dbc pero hindi parin siya nagpractice.

Pero pinalabhan niya ang kanyang uniform sa DBC kasi gagamitin niya daw.Ang event na yun ang una naming sout sa bago naming dbc uniform.

Habang ako ay nasa bahay, Ang iba sa amin ay nangaroling malapit lang doun sa kanila.Black out pa talaga noung gabing yun.

Ang mga friends at classmates namin na nangaroling ay may narining na hiyaw ng babae "saklolo" malakas ang boses nito.umiiyak.

Saktong may napadaan na jeep sa harap ng bahay nina J. Jeep ng isa sa mga teacher, Pinara ito ng tita ni J.siya pala ang ababeng sumigaw. Buhat nila ang walang malay na katawan ni J para dalahin sa medical clinic na pagmamay ari ng lolo ng isa pa naming classmate.

Binuhat nila ito pasakay sa jeep at doun umiiyak ang kanyang tita sa loob ng jeep at ang tatay niya naman ay parang di alam ang gagawin, habang binabaybay nila ang daan papuntang ospital yakap-yakap siya ng kanyang tita. Labas ang mga 1/4 pulgada na dila nito.

Ayun na dumating na sila sa ospital at binuhat papasok. Nakita ng mga barkada namin at naki osyoso sila. Noong una di pa nila alam kung sino pero nalaman din nila at yu napag alam na nagpatiwakal pala ito sa puno ng acacia sa gilid nga bahay nila....

Namatay nga si J, hindi na siya naagapan.

Umaga na noun friday na Habang ako ay bumibili ng pandesal ay nagsalubong kami ni giene isa sa mga transferees na classmates na umiiyak ito tinatanong niya akong narinig kona ang balita kagabi.Sabi ko, "Ano ba?"

"si J,si J,si J" humahagolgol
"bakit anu nangyari" tanong ko
"patay na si "J" sabi niya
"ha " hindi pa ako naniwala

Pero may narinig narin akong usapan sa mga tao na bumibili din ng pandesal, kaya doon na ako naniwala.

Nakakapanlumo ang nangyari. Umuwi na ako sa bahay nagbihis papuntang school, binalita ko sa parents ko ang nagyari pati sila ay nagulat din. "14 years old nagsuicide" sabi ni mommy

Dali dali akong pumuntang school hindi na ako nakakain ng agahan. Sa tapat nga school gate at bahay na nila. Medyo maramai naring naka alam ng masaklap na balitang yon. Kasi nga classmate ako agad akong pumasok sa loob at doon nakita ko na si J walang buhay, nangingitim, nandoun narin ang iba naming kaklase at ang aming adviser. Niyakap ako ng tita niya umiiyak "si J pol wala na"

Wala pang may alam ng dahilan hanggang kinagabihan nung malagay na siya sa ataol doun palang namin nalaman ang mga dahilan pero hindi naman sure.

Brown out parin ang set up. At dun na sinabi sa amin ni tita na pagkatapos daw nilang kumain ay naghugas ito ng pinggan. Kandila lang gamit nila, lingid sa kaalaman ng tita at tatay niya na may plano itong mag suicide.Mga limang minuto palang ay tinawag siya ng tita niya.

"J" J"sambit ng kanyang tita

Walang sumsagot mula sa kusina, after 5 minuto tinawag ulit ang pamangkin, pero wala paring sumasagot, kaya minabuti nitonglumabas ng kwarto pero walang tao sa kusina. Nandoon ang kadila at tapos na itong maghugas.Napansin ng kanyang tita na nasa gilid nga mga nahugasang plato ang report card nito. Nung makita niya ito ay malaki ang binababa sa isang subject. Mula 89 to 78 kaya pala rank 9 nalang si J. Hinanap niya sa kuarto nito, wala.

Sa backdoor dumaan ang tita niya papuntang gilid ng bahay. Tinungo nito ang acasia pero pagbungad niya palang sa pinto ay may nakita siyang nakaputi na nakasabit sa puno na korteng tao. Agad itong kinabahan. Walang ibang oumasok sa isip niya kundi ito tao baka multo pero nang maaninig niya ang mukha at sout na damit nito gad siyang sumigaw "saklolo" na siya ring narinig nung mga nagcarolling.

Agad itong tumakbo palapit sa nakabigting si J ngunit ng di niya ito maabot ay bumalik siya sa loob kinuha ang itak at dali daling pinutol ang lubid. at saka dinala sa clinic.

May mga pinakitang gamit ang tita niya yung project sa recycled papers na may pormang Question mark.Sabi ng ga iba madami siyang tanong na di masagot.

Ang card niya yun ang 89 naging 78.

Ang sinulat nyang poem na DEAR THANKS

DEAR THANKS

THANK YOU FOR BEING THERE WHEN I NEEDED YOU
THANKS FOR APPRECIATING THE NICE THINGS IVE DONE

Etong mg linyang to ang nag inspire sa akin na tapusin ang poem sa sarili kong enterpretasyon.

sumunod na pinakita ang gift niya kay Ella sa exchange gifts namin sa christmas party. Isang chain bracelet, hindi tinaggap ni Ella kasi natakot ito.

Pinakita ang drawing na di ko naintindihan, subalit na alala ko ang pinangyarihan. Ang sanga ng acacia na pingbigtian pati narin ang buwan makikita sa gitna ng dalawang sanga.

Nakakapangilabot ang drawing na iyon. Tumindig ang balahibo ko nang kinomfirm ko ito sa lugar.

Ang poem niya ay nagsilbing suicidal note niya.

Pinasout sa kanya ang pinalabhan niyang DBC uniform kasi gagamitin niya, ginamit niya nga sa burol niya.

Isa sa dahilan ay ang mababang marka niya thou its just apart of it.

Agad nagpalipat si maam terror sa ibang school.

At sa boung burol days niya ay walang kuryente sa lugar namin.

Natakot ang mga teachers sa epekto nito sa school, baka may sumunod magsuicide, buti naman at wala.

2 comments:

  1. ayan ka na naman bonsai, katakot talaga si J at yang dear thanks mo, buti nalang meaning ful yan

    ReplyDelete
  2. naapil baya ko sa kahadlok ani hubby ha

    ReplyDelete

 
Subscribe to updates Subscribe to updates