Thursday, July 9, 2009

KABABLOGHAN

Ang kuwentong ito ay pagpapatuloy sa mga pangyayari ng Nginig ng Dear Thanks.

Habang si J ay nasa loob na na kanyang kabaong at nag umpisa na ang padasal sa kaluluwa ng nagpakamatay ay nandoon na kaming mga classmates, teachers at mga kaibigan at kamag-anak niya.

Ang suicide nyang iyon ang una sa aming paaralan kaya nga natatakot ang mga magulang namin at ng mga iba pang estudyante na gayahin ang kanyang ginawa.

Sa katunayan naisip kona rin yun pero hindi ko kaya, dahil narin siguro sa malaking takot ko sa Diyos.

Sabi pa noong mga ibang tao matapang siya sa kanyang ginawa pero duwag in the sense na sumuko siya sa mga hamon ng buhay.

Isang boung Linggo na walang kuryete ang kanyang burol.

One night habang nasa lamay kami ay masaya naman, di naman ginawang ganoon kalungkot.

Subalit nagulantang kai noong ang kanyang isang pinsan na itatago natin sa pangalan Rain ay tumayo at sabay sabing "ayokong sumama" agad siyang nilapitan ng kanyang tita at mga pinsan.

Takot at pangamba ang aming naramdaman.Nanaginip ito habang naglalakad.Tinanong siya ng kanyang mga kamag- anak kung ano ang panaginip niya at kung bakit niya sinabing "ayokong sumama"

Eto ang kanyang panaginip:

Naglalakad daw siya at nakita niya ang nagpakamatay na pinsang si J. May kasama itong isang malaking tao, matangkad ito,at di niya maaninag ang mukha.Magara ang sout nitong damit pati narin ang nagpakamatay. Inaya daw siya ng mga itong sumama kasi lilipat na daw sila sa malayo.

Gising ang kanyang diwa kaya niya sinabing "ayokong sumama" at nagising na siya na puno ng takot at umiiyak ito.

Nagdasal ag pamilya at umuwi narin kaming mga magkakalase.

Kinabukasan habang kami ay naghahapunan ay napag usapan namin ang pangyayaring ito at natakot si mommy.Dumiretso ako sa likod bahay namin pagkatapos kumain. Dala ko ang isang handset radio at kausap ko ang isang ko pang classmate over the radio.Hindi pa uso sa amin ang cellphone.

"Anu ginagawa mo ngayon over" tanong niya
"eto nagpapahinga sa duyan sa likod bhaya namin" sagot ko
"pupunta kaba sa burol" tanong ni jena
"mamaya na siguro mga eight or baka bukas nalang"
"sino kasama mo jan" tanong niya
"si j" sabi ko

pagkasambit ko ng kanyang panagalan ay agad na nag-ingay ang mga manok panabong ni dad. Yung parang may nakitang kung ano sa madilim na paligid, very strange and unusual ang naramdaman ko.Pagkatingin ko sa itaas ko, isang napalaking paruparu ang aking nakita.

Napaluha at ako napaihi sa takot. Tumakkbo ako papasok ng aming bahay na namumutla.
Nagtaka si jena kasi pindot pindot ko pala ang ptt ng radio handset sa aking pagtakbo at kakaiba ang kayang narinig.

Nagtaka rin sina mom bakit daw ako namumutla, wala naman akong sinagot sa kanila.

Hindi nga ako natuloy sa pagpunta sa burol ning gabing yun pati narin si jena na nakaramdam ng takot.

Nag usap nalang kami at kinuwento ko sa kanya ang aking naramdaman at nakita.

The day bago ilibing si J ay nandoon kami pero umuwi din kami kaagad pagkatapos ng padasal.

Yun pala ay napossess na ang kanyang pinsang si Rain na nagwala, parang may kung anung sumanib.Ayon pa sa kuwento ay sunod-sunod pala ang panaginip nitong isasama siya.Kaya lang tumatanggi siya pero may kung anung puwersa na parang gusto niyang sumama.

Nagwala si Rain at hinimatay. Namutla at ito at mahina ang pulso na animoy walang buhay.Puno oto ng pawis.Pinahiga nila ito binigyan ng paunang lunas.

Spirit of Amonia at kung anu-anu pa.Ayaw parin nitong magising.Kinurot nila ito ayaw parin itong magising.May isa sa mga tita niya ay sinampal ito ng malakas, ganun parin ayaw magising.

Habang ang iba ay nagbibigay ng paunang lunas ang mga iba naman ay nagadasal at kinakausap si J sa kanilang dasal na huwag na isama ang pinsang si Rain. May kumuha ng aspili at tinusok nila ito sa daliri para makaramdam ito ng sakit, wala parin itong naramdaman.

Nagpasya kaagad ang kanilang pamilya na dalhin ito sa ospital para makasiguro, Kaya agad na kumuha ng sasakyan at habang sila ay nasa loob ng sasakyan, sakto naman na may nagsuggest na idaan sa isang arbularyo sa aming lugar. Kaya dumaan sila sa isang arbulary na nasa gilid lang ng highway.Hindi naman tahimik ang bahay ng arbulary kasi nakatira siya sa poblasyon.

Binuhat nila si Rain papasok sa bahay ng arbularyo, at may ginawang paunang ritwal ang arbularyo about sa mmga taong may sanib.Pagkasindi nito ng kandila at hinawakan sa pulso at ulo si Rain habang may binubulong. Agad itong lumiyad at nagising. Parang may kung anung pwersa ang pumasok sa kanyang katawan, parang bumalik ang kanyang kaluluwa sa katawan.

Nandoon asa may pintoan ang ilan sa kanilang mga kamag anak.
Ng biglang......nagsalita ito na "papasukin nyo sila nsa labas lang sila"

Nabalot ng kaba at takot ang mga nandoon.Nakakapanindig balahibo at ang iba ay di maiwasang mamutla at maihi sa nasaksihan.

May mga sinabi pang orasyon ang arbularyo sabay palo ng kanyang kamay sa braso ni Rain.

Sabi ng arbularyo pinipilit siyang isama ng namatay at ng isang lalaki na nasa kanyang panaginip.

May tao daw kasi na nakatira sa puno na pinagbigti-an niya. Na siya ring dahilan at nangumbinsi kay J na magbigti.At kung di nila dinala sa kanya malamang ay masama nga ang nangyari kay Rain at tuluyan narin itong sumama.

Akala namin na hanggang doon nalang ang kababalaghan.

Kinabukasan araw na ng kanyang libing. Habang kami ay dumiretso na sa sementeryo.Pero tumawag pala ng arbularyo ang tatay ni J para putulin ang punong acacia sa gilid ng bahay nila.

At sa sementeryo pagkatapos ng huling dasal ay pinaputol sa akin ng isang teacher ang isang rosaryo at itapon ang mga bids sa kanyang libingan, pangontra daw ito para wala nang sumunod na magsuicide.

Nagsi-uwian narin kami.

Sa kanilang bahay nasaksihan ang isang pang nakakapangilabot na pangyayari.

Alas tres ng hapon nang simulang ng arbularyo ang ritual sa pina andar ang chainsaw. Nag alay din ng isang manok na puti. Akmang natamaan ang puno at namatay ang chainsaw. Sinubukan nilang paandaring muli pero ayaw na nitong umandar.Kaya mas tinindihan ng arbularyo ang pagpapalayas sa taong nakatira sa puno.Nung una ay pinakiusapan niya ito pero sadyang ayaw ng engakanto. Madaming rituals at pina andar ang chainsaw, matagal pero umandar narin sa kalaunan. Bago naman ang chainsaw na ginamit. Tinamaan na ng chainsaw ang puno at habang malapit na itong maputol nasa kalagitnaan na. Biglang sumigaw at nagawalang muli si Rain. Lumalabas na ang mga litid nito sa leeg na parang siya ang pinuputol ng chainsaw. Nung maputol na ang puno ay hinimatay na naman si Rain. May isa pang arbularyo na nandoon kaya siya na ang gumamot sa binata.

Todo dasal ang pamilya kaklase na tumahimik na ang namatay.

Sabi g arbularyo umalis naraw ang engkanto at si J. Nakakuha nga siya ng isang depress na high school student.

Makilang bese kona nakuwento ang kababalaghang ito hanggang sa nung isang beses at tinakot ako sabay alolong ng aso. At biglang pagsara ng pinto sa terrace.

Kasama ko ang bestfriend ko at mga ilan pang nakakaalam. Kaya tinigil kona. Sinulat konalang sa blog.

Sa mga makakabasa sana hindi kayo tatakutin ni J.

4 comments:

  1. kavuang woi... manghadlok ba...

    ReplyDelete
  2. kaatakot naman ang kuwentong ito.....

    totoo ba talaga ito or kathang isip molang?

    ReplyDelete
  3. sary entry naman to........nangilabot ako ah....
    i swear........

    ReplyDelete

 
Subscribe to updates Subscribe to updates