Pagkapunta ko sa school wala parin palang pasok ten days pala kaming walang pasok dahil nagquarantine ang school dahil sa influenza H1N1.
Naisipan ko na magsimba nalang katabi lang kasi ng school and Sta. Ana Church.
Nakapark ang kotse ko sa gilid ng church na kung saan may Minute Burger. May buy one take one itong offer.
Kadalasan pinipiliko ang 34 pesos na buy one take one, eh may 50 pesos ako, sukli ko sa carwash.
Pinili ko ang tag 24 na by one take so apat na burger.
Habang naghihintay at nagyoyosi ako may lumapit na babae na may sinabi.
Hindi ko ito masyadong narinig, akala ko nanghihingi ng pera, akala ko nanglilimos.
Kunot ang ulo nga ale at hawak-hawak ang kanyang tiyan na pakiwari ko may nararamdaman itong sakit.
Kinuha ko ang aking coin purse "naku 2 pesos nalang ang pera ko" sabay abot sa coins.
"Sabi ko anung oras na po sir?" sabay hawak parin sa tiyan niya.
Napahiya ako, para akong nalagay sa alanganin at feeling ko nainsulto ko yung ale, hindi ko naman sinsadya.
Guilty ako sa aking ginawa kaya humingi agad ako ng sorry.At sinabi ko na mag aala una na.
"kaya ako nagtanong kung anung oras na hindi pa kasi ako kumakain" hawak ang tiyan at alam ko sa mukha niya na gutom nanga ito.
Biglang tumulo ng bahagya ang kanyang luha.
"Ganito nalang po sa inyo napo yung isang burger apat naman yung binili ko ale"
Hindi na ito kumibo at tumango nalang.
Nahiya din siguro ang ale.
Binigay ko agad sa kanya ang isang burger at umuwi na ako.
Nice naman ito kasi nagpasalamat siya.
Tiningnan ko siya sa rear mirror yun guto nga pala talaga.
Saktong nakunan ko siya ng picture at background image pa ang kotse ko sa harap.
Masyadong timing o coincidental na mga pangyayari today, walang pasok kaya nagsimba ako, bumili ako ng apat na burger para pala sa ale ang isa.
Sunday, July 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow bait naman
ReplyDeletetalaga lang.nakuwento niya pagdating ng bahay
ReplyDelete