Sunday, August 30, 2009

Joke ng lasing

Dumating sina Abloi, Loloy, at Moloy nung pista sa tapat ng bahay namin na napakaingay kaya minabuti ko ring makijoin sa usapan nila.

Lasing na ang mga ito na galing sa pista at inuman.

Pinuntahan nila ang kapitbahay naming si Boboy.

Galing sila sa bahay ni Bitoy.

At nagkuwentuhan ng napakaingay, tawananan, tuksuhan, ang kukulit ng mga lasing hanggang sa nag joke na si Moloy.

Eto ang joke:

Tumador: Doc anu kaya ang sakit ko doc kasi pag ako ang bumibili ng inumin sa inuman kinabukasan eh nagkaka LBM ato, nagtatae ako doc.

Doctor: Ahhhhhhhhhhh ganun bah simple lang ang sakit mo. Manipis lang talaga ang bituka mo.

Tumador: ganun ba doc tapos ?

Doctor: Pero makapal ang mukha mo.

Ang lakas ng tawa ko, ewan ko lang kung may pinatamaan siya sa joke niyang yun basta napakaingay namin.

No comments:

Post a Comment

 
Subscribe to updates Subscribe to updates