Sunday, August 16, 2009

Sherwin

Namomroblema ako kung papano magamit ang aking wireless router para naman magamit ko ang laptop anywhere sa bahay.

Tinext ko si Sherwin, di nagreply tinawagan ko at hingi ang telephone number nila.

Tinawagan ko ulit sa telepono na.

Humingi ako ng tulong , graduate siya ng IT.

Hindi niya naman ako tinaggihan at pumunta siya sa bahay after mga 45minutes.

May hinanda na akong Tanduay para habang kinakalikot niya ang router ay may ini-inum naman.

"Ginawa ko na lahat jan pare ayaw parin" sabi ko
"uunga eh parang kailangan ko pa itong pag aralan pa" sabi niya

Makalipas 2 hours eh di parin ito gumagana hanggang sa nag inuman na kami.

Shared ko sa kanya ang blogsite na ito.

At sabi kopa na ilalagay ko siya sa blogs.Kaya kinunan ko siya ng picture.

Hindi niya na solve ang problem pero solve naman sa inuman.

Si wifey pa naglagay ng mga pulutan.lol

Nagluto ako ng hapunan at kumain kaming tatlo with wifey.

Dumating naman ang mga pinsan ko at nagpatuloy ang inuman hanggang madaling araw.

Di na nakauwi si Sherwin.

Kinabukasan mga ala una na kami nagising ni wifey and nandun parin si Sherwin sa isang room.

Ginising na namin para sa tanghalian,and umalis na ako papuntang school.
"babalikan ko yun pare magtatanong muna ako sa mga friend ko about wireless" sabi niya sabay baba sa sasakyan.

At natapos na naman ang isang inuman na parte na ng Kasaysayan.

Eto si sherwin.

No comments:

Post a Comment

 
Subscribe to updates Subscribe to updates