Thursday, October 1, 2009

Jean "hi kuya"

Isang hapon habang ako ay nagyoyosi at naghihintay para sa aking next class sa harapan ng simbahan ng Sta. Ana ay may tatlong estudyante na nakaupo din sa kabilang mesa.

Dalawang babae at isang lalake. Di ako sigurado kung magsyota ba ang dalawa sa kanila.

Napansin ko habang hinihithit ko ang aking yosi na tinitingnan ako ng isang magandang estudyante. nag smile siya sa akin at ginantihan ko naman ito.

May tanong sa isip ko if anu ang ibig sabihin ng smile nyang yun. Ilang saglit pa naisip ko baka kaklase ko siya sa isang subject subalit hindi rin.

Mga 30 minutes na ako na nakatambay sa tindahang iyun may napansin akong dumaan na dalawang magagandang chix na dumaan sa harapan ko. Parehong sexy at maganda. Tiningnan ako ng isa at nagsmile ito sa akin. Lumingon ako baka may tao sa likuran ko eh wala naman.

Parang hilaw ang aking smile na naganti. HIndi ko sila kilala. Pero sa loob ko muntik na umandar ang aking pagka pabling. Feeling ko ang guapo ko that day.

Nung maka alis na ang dalawang bababe sa aking harapan tinitigan ko ulit ang unang chik na nagsmile sa akin, gumanti siya. With all her charm, tukso layuan mo ako.

Pagkalingun ko nakita ko ang pangalawang chik na nagsmile na malapit sa likuran ko, papalayu na ito sa akin. I know she wanted to approach me pero nakatalikod ako kaya umalis narin siya. Napansin ng unang chik ang mga tagpung iyun.

Kinabukasan the same time habang naglalakad pa ako papunta sa aking tambayan sa tapat ng simbahan nakasalubong ko ang pangalawang chick. matangkad, maputi at maganda ito. Hinawakan niya ang aking braso. sabay sabing "Hi Kuya" Napaisip ako at nawala ang mga tanung sa aking isipan. Kilala niya ako. "sino kanga?" Ako si jean yung anak ni _____ na linudhan sa kasal sa imung mommy"? Doon kopalang naalala na siya nga yung bata noon, patay na ang mama ni Jean dahil sa kidney trouble.

Nangumusta siya kay mommy daddy at utol. Naalala ko rin na niligawan yata ni utol noon, or crush niya....

Hanggang ngayun tuwing nagkakasalubong kami "hi Kuya"

No comments:

Post a Comment

 
Subscribe to updates Subscribe to updates