Thursday, July 2, 2009

Manok Panabong

Hinatid ko si wifey sa may sakayan ng bus sa milan kahapon diba?
Umuwi siya sa Tagum kasi bibisitahin niya ang kanyang mga kapatid na matagal na niyang di nakikita. Pinayagan kona kasi namimiss niya na ang mga kapatid at miss narin siya ng kanyang mga kapatid.Napaka selfish ko naman kung di ko siya papayagan diba?

Kaya doon na siya nag overnight sa kanila.

Kagagaling kolang ng school ng may narecieve akong text.

"Maot" text niya
"unsa man maot" sagot ko
"nakauwi kana" tanong niya
"kararating kulang bahay at kakain na ako in a while"sagot ko
"Sige kain kana, love you maot muwah goodnight sleep na me" text niya
"sige maot love you too, goodnight" text ko

Nakatulog narin ako pagkatapos magsulat at magresearch.

Pagkagising ko kanina nagtext siya sa akin ulit

"maot anu ba ang itsura ng magandang manok" text niya
"Ha bakit" text ko
"magdadala ako ng manok jan pero di ko alam ano pipiliin" text niya
"anung klaseng manok" text ko
"panabong" text niya
" ha kaw magadadala"? text ko
"ayaw moba" text niya
"gusto ko, dalahin mo nalang bumili ka box sa palengeke" text ko
"sige "text niya


ang manok na dala ni wifey



On the way na siya pauwing davao ngayon habang ginagawa ko itong blog na ito. ipopost konalang ang picture ng manok panabong na dala niya ngayon habang sakay siya ng bus.

Nakatawa kasi di ko alam kung anu itsura ni wifey habang may bitbit na manok panabong sa isang box.

Ang rason kung bakit niya gusto magadala ng manok galing sa kanila dahil itong mga manok na nasa kanila ay pag aari pa ng papa niya na sumakabilang buhay na last year so parang gagawing pet or padadamihin ang lahi nito,lalopa mahilig ako sa mga manok panabong.

3 comments:

 
Subscribe to updates Subscribe to updates